#NOL20
I salute to all those students na kinaya ang pagiging working students. Isa na ako roon, proud ako sa sarili ko dahil napagsabay ko ang pag aaral sa umaga at pagtatrabaho sa gabi. 'Di ako katalinuhan pero sa awa ng diyos mataas naman ang mga grades ko at nakatanggap ako ng scholarship sa PDPU.
Week had passed already simula noong binigyan niya ako ng kwintas. Today's the oh-so-called hectic day na naman, maraming projects na ipapasa, may business plan na gagawin tapos dumagdag pa 'tong reporting na nakaka haggard at nakakainis.
"Ghorl may chika ako." Hinihingal na sabi ni Heinah, galing pa kasi siya sa locker at tumakbo papunta rito sa field ng PDPU, may kalayuan kasi 'yon.
"Wow! May gana kapang sumagap ng chismis habang ako rito ay namomroblema na sa kakaisip kung paano 'to gagawin, kung saan ako aano-" sarkastikong sabi ko na ikinatigil din kasi pinutol niya.
"Ghorl!! You won't believe it!" Nanlaki ang mga mata niya.
"Hindi naman pala ako naniniwala, ba't pa 'ko makikinig?"
Binatukan lang ako ng gaga at humalukipkip sa tabi ko. Umupo siya sa tabi ko, nakaupo kasi ako sa grass dito malapit sa soccer field.
"Pilosopo amp!"
Nanlaki ang mata ko at lumilinga sa likod kasi baka may makarinig sa 'min mahirap na, malalagot kami.
"Hoy! Bibig mo! Baka may makarinig sa 'yo ghorl. So, anong chika?"
'Di ko man maamin pero sadyang chismosa rin akong tao kaya sasagap na muna ako ng chismis at tsaka na muna 'tong gagawin ko makakapag antay 'to pero 'yong bibig ni Heinah hindi na.
"May sinabi ba sa 'yo si Sib tungkol doon sa ex girlfriend niya? 'Yong Keila Rodriguez?" Tanong niya na ikinailing ko.
"Ganito kasi 'yon ghorl . . . Narinig ko si malanding Tiffany may kausap sa phone . . ." Pabiting aniya.
"Tapos? Ba't ang chismosa mo masyado?"
Umirap lang siya at may sinulat sa notebook niya.
"Aba malay ko bang nasa locker din 'yong malanding 'yon saka haler, si Tiffany 'yon kaya makikinig talaga ako kasi baka si Daze na naman ang bukambibig nun."
Takot na takot malandi ng iba si Daze pero hindi niya pa rin sinasagot.
"Tapos? Ano ng kasunod?"
"Ito nga kasi, as I was saying, english 'yon, narinig ko si Tiffany na kausap 'yong Keila, nasa Pilipinas na raw 'yon at papasok rito sa school bukas,"
Napatulala ako sa nalaman ko kasi kahit 'di ko man aminin alam kung kinakabahan ako sa mga posibilidad na nangyari. Isa pang ikinakaba ko ay 'yong Lola ni Sib, pauwi na kasi rito sa probinsya, what to do? Against na against pa naman 'yon sa relasyon namin kasi gusto niyang si Keila ang para sa apo niya.
"Ba't natahimik ka riyan, ha?! Nako ghorl 'wag kang kabahan, I got you!"
Umismid lang ako sa sinabi niya. May pa I got you-I got you pang nalalaman.
"Ghor alis na 'ko. Nag text na sa 'kin si Sib." Paalam ko sa kanya at niyakap siya.
"Sana lahat may date 'no?" Sarkastikong sabi niya, halatang bitter.
"Sagutin mo na kasi si Daze nang may date ka na!" Natatawang sabi ko sa kanya.
"Che 'wag muna ngayon!"
Napailing na lang ako sa kanya at ininguso si Daze na parating dito sa pwesto namin. I smirk at her nang makita kung nagmamadali siya sa pagligpit ng mga gamit niya. Pakipot pa kasi eh.
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Fiksi RemajaStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...