#NOL10
Nandito kami ngayon sa kwarto ko kasi hahanapan daw ako ni Heinah ng masusuot para sa party mamaya.
"Hala 'no! Hinay-hinay naman po sa paghalungkat diyan, aba baka akala mo 'di mahirap mag tupi ng mga damit na 'yan," sabi ko sa kanya at niligpit ang mga kinuha niya.
Ngumuso lang siya at patuloy na naghalungkat while ako umupo lang sa kama at tinignan siya.
"Formal party ba 'to?" tanong ko.
"Gaga ka ba? Saan napunta utak mo kanina? Nasabi na ni kuya na formal party 'yong una, saka na ang wild 'pag after party na, sa MBAR ang after party kasi wild mga tao do'n rawr!"
Binato ko nga ng unan. Grabe 'to maka gaga kala mo naman 'di rin gaga. Kung 'di ko lang 'to kaibigan, matagal ko ng minura ng bonggang-bongga.
"Aatend tayo sa after party?" tanong ko.
"Oo 'no!"
"Ghorl alas kwatro na ha! Paalala ko lang kailangan mga five forty five nando'n na tayo." Tumayo na ako pagkapatos kong sabihin 'yon.
"Oo na nga ito na. For the formal party ang susuotin mo ay itong red dress at itong white tube partnered with high-waisted jeans naman for the after party tapos sa paa naman ipa-partner mo sa dress ay itong four inches black string heels at sa after party naman ay white sneakers, okay? aangal ka o hindi?" sabi niya at inayos ang mga damit ko.
Aapila na sana ako kaso nauna na siya eh kaya tinikom ko na lang ang bibig ko.
"Hep! Hep! Kakasabi ko pa nga lang di 'ba? Bawal magreklamo rito. Baka malay mo meet the family na rin 'to," tuksong sabi niya.
"Gaga to! Kinabahan tuloy ako." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng kabog nito.
Enirase ko na lang ang pagiging nega ng utak ko. Stolen, hingang malim. You should do the breast out, stomach in ay baliktad pala. Breast in, stomach out and rampa.
Nagbihis na kami ni Heinah. Nakasuot din siya ng red dress kaso iba lang 'yong style, ang akin kasi ay may ekis sa likod tapos 'yong neckline ay mababa habang ang sa kanya ay backless dress. Chinorva-chuchu este minake-upan na niya ako pagkatapos ay siya naman ang nag churva-chuchu charot basta 'yon na.
"All done na tayo ghorl, teka picture muna bago rumampa at lumarga,"
At nagpicture nga kami. Maraming beses pa 'yon dahil ipopost niya raw sa IG. Nag ring 'yong phone ko kaya lumayo na muna ako sa kanya. Tumatawag si Sib.
"Hi," sabi ko.
"Are you done preparing?" he ask.
"Yes, why?" sabi ko at tumango na parang nakikita niya ako.
"I'm gonna fetch you, I'm on the way already,"
"Weyt lang ha, bakit mo 'ko susunduin? Sabay kami ni Heinah papunta sa MSBAR,"
Lumingon si Heinah at ngumuso nguso, mag sasalita na sana siya kaso sinenyasan ko siya na 'wag mag ingay. Bibig pa naman niya, 'di mo mapigilan.
"Daze is also coming there, siya ang susundo kay Heinah,"
Tinakpan ko muna ang earpiece ng phone at nilapitan ang gaga.
"Si Daze raw ang susundo sa 'yo, ba't 'di mo sinabi?" pinaningkitan ko siya ng mata.
"Hihihi kasi naman ghorl sasabihin ko na sana kaso . . ." nag zip the mouth siya. "Kaya 'di na kita nainform," umirap lang ako sa kanya at kinausap na uli si Sib.
"Okay, pababa na kami. Bye!" at binaba ko na ang tawag.
"Ghorl tara na, nando'n na raw sila sa baba." Hinila na niya ako pababa.
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Teen FictionStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...