Kabanata 30

212 6 1
                                    

#NOL30

"Congratulations Dela Vera, Stolen Zayineth!"

Naiiyak 'kong tinanggap ang aking medalya at diploma. After how so many years of sacrificing and struggling,  I made it, we made it. Natupad na rin ang katangi-tanging pangarap ng mga magulang ko para sa 'kin.

"Thank you Ma'am!" Nakangiting sambit ko at nakipag-shakehands sa kanya.

"Ghorl I can't believe it. Narating na natin! Cum laude ka tapos ako Magna, wow, hindi ako makapaniwala, itong mukha nating 'to? Ewan ko na lang!"

"Gaga!"

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Heinah. Eskandalosa. Kasama namin ngayon ang pamilya ko at pamilya niya. 'Yong Nanay, Kuya at bunso nila, wala na kasi siyang Tatay kaya silang apat na lang.

"Ano ba 'yan. Picture na tayo dali! For memories." Atat na sabi ni Ulan at may pinakiusapan para kuhanan kami. Wala eh, makapal mukha ng kapatid ko.

Nilapitan ako ni Tatay at Nanay sabay yakap sa 'kin. We take a lot of pictures in every different angle. Masaya, until napagod na 'yong nagpicture, nakakaloka nga kasi mas nauna pang nag surrender ang kumuha ng picture kaysa sa mga nagpa-picture. I and Heinah are busy congratulating our classmates and ka-batch mates when suddenly someone approach me. Someone from the past that I didn't actually expected to seen again.

"Ate Stolen, omg! Congrats ate! You did great and you became prettier as the years passed by."

"Thank you Danivia Beatrix. Gosh I miss you Barbie!"

Remember Sib's younger sister? Si Bea, siya 'yong nag approach sa 'kin at kasama niya 'yong parents niya. Nakasimangot lang siyang bumaling sa 'kin. Ayaw na ayaw kasi niyang tawagin siya sa buong pangalan niya.

"Ako? Hindi mo 'ko ku-kumustahin? Hindi mo 'ko ico-congratulate? Napaka-unfair naman! Hindi porke't puro kayo Barbie eh hindi niyo na ako isasali! Aba!"

May sapak din yata sa utak 'tong best friend ko eh o baka matagal na at ngayon ko lang na-realize.

"Gosh Ate Heinah, it's been what? Two . . .  three years, I guess? I lost count but ito ka pa rin . . . nakapadaldal mo pa rin. You should at least tape your freak—okay it's just a joke anyways I miss you both and Congrats also Ate Heinah!"

Ang kulit niya pa rin. Hindi nagbago. Nagulat na lang ako ng biglang tumakbo sa direksyon namin si Ulan, bumili kasi siya ng Ice cream kanina, at niyakap si Bea. Well yeah, they're pretty close.

"Danivia Beatrix gaga! Na-miss kita! conyo girl!"

"Oh my gosh!" Napatakip pa si Bea sa bibig niya at biglang tumili. "Rain Aseneth I miss you!" Exaggerated sila masyado.

Napapitlag ako ng may tumikhim.

"Heinah can we talk? If it's okay with you of course," Daze asked softly.

Oh no. I smell some comeback here. After kasi naming maghiwalay ni Sib, 'yong official break up namin, months had passed at maghiwalay din sila. I didn't knew the real reason kasi wala siyang sinabi sa 'kin but I'm with here in her darkest hour and I was there when she was down and devastated. Maybe like ours -- involved cheating and third party or kinda like that.

"Aba mag-paalam ka kina Kuya at Nanay, 'wag sa 'kin!" Masungit na aniya. Nagpapakipot lang 'yan, tignan niyo mamaya baka magkabalikan na sila.

"Umayos ka, gago. Huwag mo ng papaiyakin ang kapatid ko at baka maulit ang nangyari sa 'yo dati. Masuntok kita ulit, makikita mo!" Madiin na sabi ng Kuya ni Heinah.

"Basta ibalik mo lang siya Zion at may selebrasyon pa! Buong buo at walang bakas ng luha," Sabi ni Tita.

"Yeah I'll take note of that. I won't do something stupid."

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon