#NOL14
Dati, takot akong pumasok sa relasyon dahil siyempre maaga pa, naniwala kasi ako sa sinabi nilang kung maaga kang papasok sa isang relasyon ay maaga mo ring mararamdaman ang sakit na dulot ng pagmamahal.
Pero 'di ko kasi maiwasang mag imagine na galing ako sa school tapos kasama ko ang boyfriend kong uuwi, ihahatid niya ako sa bahay tapos sabay din kaming papasok and know I can say everything just happened.
My parents isn't too strict when it comes to a relationship, basta nasa tamang edad at alam ang tamang limitasyon ay walang problema. Open sila sa lahat ng bagay at handa silang suportaan kami. That's why mahal na mahal ko sila kahit nakagawa sila ng bagay na nasaktan kami pero now everything's okay because nagbago na sila. Hindi mapapantayan ng kahit anong yaman ang pagiging kompleto at ang pagmamahalan ng aming pamilya.
Nasa bar counter ako ngayon at humalukipkip, iniisip kung ano ang gagawin ko gayong malapit na ang pasukan namin. College life is coming, stressful life is waving.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Problemadong problemado masyado." Humihikab na sabi niya at tumabi ng upo sa 'kin.
"Gaga ka! Malapit na ang pasukan ghorl, aba'y dapat lang na mamroblema tayo." mahinang sabi ko at pagod na dumukdok sa counter. Idagdag pa 'tong ulo kong parang mabibiyak sa sobrang sakit-actually kaming lahat. Hangover is real.
"PDPU? Business Ad?" putol-putol na sabi niya.
Tumango lang ako at pumikit na dahil sa t'wing ia-angat ko ang ulo ko ay nahihilo ako at para na akong matutumba.
Napag-usapan na kasi namin na sa PDPU kami mag aaral tapos Business Ad ang kukunin namin.
"ANG SAKIT NG ULO KOOO!" Sumisigaw na sabi niya at sinabunutan ang sariling buhok.
"Kung 'di ka ba naman kasi baliw! Ikaw ang may kasalanan niyan. Let's drink until we drop pa nga!"
Ngumuso lang ang gaga at humikab.
"Pasalamat ka pa nga at tinulungan tayo ng driver nila Sib kun'di ako mismo kakaladkad sa 'yo palabas,"
Hinilot hilot ko pa ang sintido ko kasi 'di ko na talaga kaya ang sakit.
"Brutal nito! 'Pag ikaw lang malasing, walang kaibigang magaganap, talagang hihilahin kita hanggang sa magkalasog lasog ang katawan mo tapos kakatayin kita at ipapakain sa aso nila Mang Karding." Brutal na sabi niya at tinaliman pa ako ng tingin.
Akmang sasabunutan ko na sana siya pero 'di na natuloy kasi biglang dumating si Kuya Raiven kaya natigil ang kamay ko sa ere. Ngiting tagumpay ang gaga.
"Kuya, what brings you here?" Humihikab na tanong ni Heinah.
"Ano nga ba? Tangina ang sakit ng ulo ko!" Sabi niya at pinukpok ang ulo niya.
"Inom pa kuya, ha?" sarkastikong sabi ko.
"Ah ayun! Naalala ko na! Pinapasabi ni madam na i-close na muna natin 'tong MSBAR ngayong araw kasi alam niyang lahat may hangover tapos pahinga na raw muna tayong lahat," sabi niya na ikinatuwa ng lahat.
"Itong si madam may pagka anghel din minsan," mahinang sabi ni James.
"Lakasan mo James, baka marinig ka," sarkastikong sabi ni Heinah.
"Tsk! Ikaw na lang 'no, nandadamay ka pa!" Iling na sabi niya at nagsimula ng magligpit.
"Salamat naman at makakatulog na ako ng maayos," sabi ko at tumayo na sa upuan.
Nagligpit na kaming lahat tapos ay nagpunta sa locker para magbihis. Nakapikit pa ako habang binubuksan ang locker ko kasi masakit ang mata ko dahil kulang sa tulog.
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Подростковая литератураStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...