Kabanata 31

275 10 5
                                    

#NOL31

I end up crying into his chest. Nakakahiya, 'di ko na talaga napigilan. Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa ginawa niya. May kumiliti rin sa tiyan ko. Ito talaga 'yong nararamdaman ko sa tuwing ginagawa niya sa 'kin. I miss his touch. Hinawakan ng kanang braso niya ang bewang ko at ang isa ay hinaplos ang buhok ko. He loves sniffing my hair.

"Shhh, baby. Don't cry. I'm sorry, okay? Please stop crying. I'm just teasing you,"

Napakalambing ng boses niya. Tumulo na naman ang luha ko. Miss na miss ko na siya. He's my light.

"Nakakainis ka! Akala mo kung sino kang gwapo ka! Bwisit bitiw!"

Tumawa lang siya at 'di pa rin inaalis ang hawak niya sa bewang ko. Nakikiliti at kinikilig ako, parang tanga. I miss this, his arms snaking around my tiny waist.

"Oh fuck. I miss my fave spot. After how many years, I'm home."

"Tumigil ka! Hindi porke't nandito ka na ay okay na tayo, may pa hawak-hawak ka pa riyan! Ang touchy mo!"

Hindi niya pa rin kasi ako binibitawan. Instead of removing his hands ay mas hinapit niya pa ako papalapit sa kanya.

"What's your shampoo, baby? Your hair smells good."

"Ewan ko sa 'yo!" Padabog na sabi ko at nauna na akong bumaba sa kanya kasi nga kinakabahan ako. Parang bumalik kami sa dati, 'yong una pa lang kaming nagkita.

"Why are you walking so fast?"

"Ha?" Naiiling na sambit ko at binilisan ang paglakad.

"I said why are you walking so fast?"

"Ah ano.. nagugutom na ako, bakit ba?"

Umiling lang siya at hinawakan ang kamay ko na ikinalaki ng mata ko at ikinaawang ng bibig ko. Anong ginagawa niya? Hindi niya ba na realize na nandito ang buong pamilya ko, when I say buong pamilya - lahat sila nandito including Heinah's family and his family too. I can't imagine what would my Tita's and Thea's reaction. Wala pa nga pero parang kinakabahan na 'ko sa pinsan kong 'yon. Napasinghap ako ng may sumabog ng confetti pagkapasok ko. Binati nila ako at pati na rin si Heinah, tuwang-tuwa pa ang gaga.

"Ate! Ito na ba siya? Hala totoong tao ba 'to? Katulad din sila nung mga tao ro'n sa gilid ate. Ang gagara, ang yayaman."

Napasapo ako sa aking noo sa sinabi ni Thea. Sabi ko na nga ba eh. Nakakahiya 'tong batang 'to.

"Thea! Nakakahiya ka! Umayos ka nga, para kang Alien niyan!" saway sa kanya ni Harold.

"Epal ka Kuya! Ma! Nandito na 'yong boyfriend ni Ate Zayi!" Natataranta na si Thea at tinawag si Tita.

"Ha? Ano kamo?"

"Boyfriend ni Ate ma! Dalian mo!"

Binalingan ko si Sib na gulong gulo sa mga nangyayari. Ang gulo kasi ng pamilya ko.

"Pinsan ko si Thea, Thea si ano.. si Sib, kilala mo na."

"Hi, I'm Sib. Nice to meet you." Pormal na sabi niya at inabot ang kamay para makipag shakehands.

"Hello po Kuya! I'm Althea Karina Dela Vera po! I'm Ate Zayi's cousin. Nice to finally meet you po. Ma, ikaw naman!"

Natawa ako sa reaksyon ni Tita. Starstruck, gwapo kasi ni Sib eh.

"Hijo tao ka ba? Ang gwapo mo! Sigurado ka ba rito sa pamangkin ko? Baka namamalikmata ka lang ha,"

"Tita! Wala ka bang tiwala sa ganda ko?"

Tumawa si Sib at humarap sa 'kin. Seryoso na siya ngayon kaya kinabahan ako, baka mag propose bigla 'to ah, hindi pa ako handa

"I'm sure na po. Siguradong-sigurado na ako sa kanya. Siya na ang gusto kong makasama habang buhay and I'm taking this opportunity to ask her parents personally... Tita, Tito, can I court your daughter?"

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon