Kabanata 15

180 13 3
                                    

#NOL15

Mamuhay ng payapa at walang inaapakang ibang tao. 'Yan ang paulit ulit at palaging paalala sa 'min ni nanay. Dati, palagi kong iniisip na sana ang mundo ay patas lang, na sana ang mundo ay puno ng taong nagmamahalan at nagsisiyahan pero sadyang may mga tao lang talagang mas piniling mamuhay sa maling paraan at sa magulong buhay, mas pinili nilang maiba ng landas, 'yong landas na walang kasaya saya.

Minsan kasi ang sayang nararamdaman natin ay mapapalitan din ng kalungkutan kalaunan. Ika nga nila, walang permanente sa mundo, malalagas at malalagas din lahat ng namumuhay dito. That's why we all should live our lives to the fullest, we should enjoy each days that passes by, we should cherished every moments and every beautiful things that happened on our lives and last but not the very least is we should RESPECT and LOVED each and everyone.

Today, month of july is our enrollment day. Sa August na kasi ang start ng klase namin. Nasa PDPU kami ni Heinah ngayon at nakiki-sabay sa pilahan para makapag enroll.

Summer had passed already and we're finally here, enrolling for college. The real struggle is yet to come, well maybe because college life na namin at siyempre susubukan naming labanan ang lahat ng pagod na madadaanan namin pagtungtong namin ng kolehiyo.

Mataas pa ang pila at nasa pang gitna pa kami. Naka simpleng maong pants, yellow fitted plain t-shirt at white sneakers lang ako habang si Heinah ay naka black ripped jeans, yellow crop top at white sneakers. This is it pancit! Ito na talaga ang simula nang aming pangarap.

Dito sa Business Ad ang pinakamaraming pila sa ngayong araw, kahapon daw kasi mas madami ang Engineering Department.

"Ghorl, saan na tayo pagkatapos nito?" Mahinang tanong sa akin ni Heinah. Instruct kasi sa 'min na mag enroll ng tahimik kaya bumubulong bulong lang siya.

"Diretso na tayong MSBAR kasi kailangan natin magpaalam ng maayos about sa sched, 'no!"

Kailangan kasi namin magpaalam ng maayos kay Madam Mesha para sa schedule namin. Schedule kasi namin sa wala pang pasukan ay in ng 8:00 in the morning at out ng 10:00 in the evening tapos shift ng ibang waitress, 'yong waitress na pang gabi ang duty.

Napag usapan na rin kasi namin 'to nila nanay at tatay kaso nung una hindi naging maganda ang kinalabasan. Nagalit sa 'kin si tatay kasi baka raw mapagod ako sa schedule ko pero nagpumilit talaga ako kaya sa huli pinayagan na rin nila ako. Matigas ang ulo ko eh, gusto kung pag aralin ang sarili ko hindi para ipamukha sa kanilang 'di nila kaya akong pag aralin kun'di para ipamukha sa kanilang ngayon na ako naman ang susukli sa lahat ng paghihirap na dinanas nila para mairaos kaming lahat. Kasi 'di man nila aminin sa 'kin alam kung may problema sila pagdating sa pera.

Ayoko nang maging pabigat pa kaya gusto kung tumulong. Pinaliwanag ko sa kanila kung ano talaga ang totoong intensyon ko sa pagsasabay ng trabaho at pag aaral. Pilit kung ipinaliwanag sa kanila na kaya at kakayanin ko naman 'to.

Mga alas diyes ng umaga na nang natapos kami sa pag e-enroll. Dumaan muna kami sa labas, sa mga nagtitinda ng street foods, it's one of our favorites.

"ISAAAAW! ISAW MY LABS, ISAW!" Tumatakbong sabi ni Heinah.

Minsan ang sarap ipatapon ni Heinah sa sobrang pagka walang hiya niya.

Napailing na lang ako sa mga pinaggagawa niya at nilapitan na siya.

"Lima sa 'kin kuya." Sabi ko at inabot ang bayad ko.

"Lima rin sa 'kin kuya," nakangiting sabi ni Heinah.

Nang makabayad na siya ay nagsimula na kaming kumain at nag kwentuhan sa tabi, siguro dahil nakatayo lang kami kaya binigyan kami ni kuya ng upuan kaya umupo kami sa gilid ng cart.

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon