#NOL6
Pagdating ko sa kinaroroonan ni Sib ay bagsak na siya. Tinulungan siya ng bartender na makatayo. Lumapit na ako sa kanila.
"Kuya excuse me po! Ako po 'yong tinawagan niyo kanina, ano pala ang nangyari sa kanya?" pagtatanong ko.
"Kanina pa siya uminom dito miss, nalasing na si sir," sabi niya.
Nagpasalamat lang ako sa kanya. Ngumiti lang siya at tinulungan akong mag alalay kay Sib palabas at dahil mabigat si Sib ay nahirapan kaming dalawa sa pag alalay sa kanya. Papalabas na sana kami ng may tumawag sa bartender.
"Teka lang ha, sasagutin ko muna," sabi niya.
Tumango lang ako at tumalikod na muna siya kaya ako muna ang humawak kay Sib.
Sobrang bigat niya talaga. Nangangalay na 'yong kamay ko sa kakahawak at dahil mabigat siya kaya natapilok ako at natumba kaming dalawa. Nanlaki ang mata ko sa posisyon naming dalawa, nakapatong ako sa kanya at nagkadikit pa ang mga labi namin.
Dali-dali akong tinulungan ni kuyang bartender sa pagtayo kay Sib. Alam kong pulang pula na ang mukha ko ngayon dahil sa hiya.
"Kuya marunong ka bang mag drive?" pagtatanong ko.
"Oo miss, bakit?"
"Kasi po kuya 'di ako marunong mag drive. Paano ko ihahatid siya at isa pa 'di ko rin alam kung saan siya nakatira," naguguluhang wika ko.
"Mabuti pa ay ako na lang ang maghahatid sa inyo," sabi niya.
Tinulungan niya akong akayin si sib palabas ng MBAR at inalalayan ito papasok sa kotse. Binaybay na namin ang daang 'di ko alam saan patungo.
"Miss andito na tayo," sabi niya.
Pinagbuksan niya ako at tinulungan sa pag akay kay Sib. Hanggang sa makarating kami sa lobby ay tinulungan pa rin ako niya ako. May susi na kasi sa bulsa ni Sib kaya 'di na kami nahirapan sa pag bukas ng condo niya.
Tinulungan niya akong ilapag sa kama si Sib.
"Salamat sa pag tulong kuya ah! Thank you talaga!"
"Your welcome!" sabi niya ng nakangiti.
Wala na akong oras para titigan ang whole unit ni Sib dahil kailangan ko pa siyang ayusin bago ako umuwi.
Papaalis na sana ako para kumuha ng towel sa banyo niya ng hinila niya ako. Napatili ako at pilit bumangon pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Nagulat ako ng bigla siyang sumubsob sa leeg ko. Pinilit kung bumalikwas kaso too late na kasi nasukahan niya ako sa leeg.
"Ohh my gosh!" I scream.
Tinulak ko si Sib pabalik sa kama at dali-dali akong tumakbo papasok sa banyo. Napangiwi ako sa baho. Nasusuka rin ako sa amoy kaya hinubad ko ang t-shirt ko at kumuha ng isang tuwalya. Naghilamos ako at nilabhan ang damit ko. Pagkatapos ko isampay ay kumuha ako ng planggana at isang face towel pampunas. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko siyang nakaub-ob sa kama kaya kumalat 'yong sinuka niya. Gosh ako 'yong nasistress dito.
Una kung ginawa ay pinunasan ko muna ang mukha niya patungong leeg hanggang braso, nanginginig pa 'yong kamay ko jusko! Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggalin ko ba 'yong damit niya o hindi. Sa huli nag decide ako na tanggalin ito pero dapat nakapikit.
Stolen pikit ha, pikit! Kailangan nakapikit dapat! 'Wag mahalay, gaga ka!
Pumikit ako at dahan-dahang hinubad 'yong damit niya. Napahinga ako ng maluwag dahil successful ang ginawa ko. Pinalitan ko siya ng damit at pinalitan ko na rin ang bedsheets. Inayos ko siya ng higa at kinumutan.
Pagtingin ko sa oras ay twelve midnight na pala kaya nag decide na lang ako na itext si Ulan na 'di ako makaka uwi.
Inaantok na rin kasi ako kaya lumabas na ako sa kwarto niya at humiga sa sofa. Dala na din siguro ng pagod at antok kaya pagkahiga ko ay nakatulog agad ako.
The next morning I woke up feelin' good. Parang nananaginip ako. Nakahiga daw ako sa malambot na kama, may aircon at higit sa lahat may nakadagang braso sa tiyan ko.
Nagising ng tuluyan ang diwa ko ng may gumalaw sa gilid ko. Paglingon ko ay bigla akong napabalikwas ng bangon. Tumingin ako sa kanya at tumingin sa kama sabay balik tingin sa kanya sabay tili.
"Achhhkkkk! Am I dreaming? What the hell happened to the world? Nora Aunor mali ka eh sabi mo walang himala pero meron kaya," pagkakausap ko sa sarili ko.
"Tsss... Your so loud," masungit na aniya.
Ngumuso ako at yumuko. Aga-aga napakasungit agad. Pero teka lang ha I was just wondering paano ako napunta rito? 'D-Di ba do'n ako sa sofa nakahiga. Hala! Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig. 'Di kaya nag sleep walking ako o kaya dinala ng multo rito? Mama!
"Tsss.. Stop that! You look stupid kaya," sabi niya.
Napahawak ako sa dibdib ko, nagfefeeling hurt kuno. "Grabe ka naman makastupid, kala mo 'di ka rin stupid sa pinagagawa mo kagabi," inirapan ko nga.
"What are you thinking?" tanong niya.
"Iniisip ko lang kung paano ako napunta rito." Tumayo na ako at inayos ang damit na suot ko. Damit niya 'tong suot ko.
"You did wear my shirt, huh?! It looks good on you though," sabi niya at tumaas ang isang sulok ng labi.
Umiwas ako ng tingin. "Sinukahan mo kaya 'yong damit ko, alangan namang maghubad ako 'no,"
Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at hinawakan ang kamay ko. Ang mga mata niyang maganda ay malamlam na nakatingin sa mga mata ko.
"I'm sorry for what I did to your shirt and I'm sorry for what grandma did to you."
Umiwas ako ng tingin dahil nangingiligid 'yong luha ko. Ayokong umiyak sa harap niya. 'Di ko lang inexpect na magsosorry siya sa akin.
Tumayo siya at mula sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay dahan dahang gumapang ito sa bewang ko at ang isa naman ay nasa ulo ko. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Nakatingin siya sa mukha ko at dahan dahang lumapit sa mukha ko. Papalapit ng papalapit hanggang tuluyan ng nagkalapit ang labi naming dalawa.
Pumikit ako at hinayaang dumampi ang malalambot na labi niya sa labi ko. Kumapit ako sa leeg niya ng gumalaw na ang labi niya. Nangangatog ang tuhod ko, pakiramdam ko matutumba na ako. Hinabol namin parehas ang hininga namin ng bumitaw kami sa isa't isa.
'Di ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. He cupped my face with his bare hands at pinilit pinatingin sa kanya.
"Starting now I will do everything for you, I will do everything to protect and save you and I will do fight for you even if its against my family," he said while looking straight into my eyes.
He said it seriously like he's promising. Niyakap niya ako ulit at nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Hanggang ngayon 'di ko pa rin maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya. Napatulala ako at hinawakan ang labi ko. Uminit na naman ang pisngi ko ng maalala ang nangyari kanina. Oh-to-em-to-ge! Siya ang first kiss ko.
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Teen FictionStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...