Kabanata 23

149 8 0
                                    

#NOL23

"GOOD MORNING WORLD!! GOOD MORNING PHILIPPINES!!"

Naalimpungatan ako sa sigaw ng kapatid ko. Umagang-umaga 'yong nakakabinging sigaw niya ang bumungad agad sa 'kin. Monday na naman ngayon at may klase na kami.

"Good morning, ate! Gising na, maganda kong ate!"

Bwisit na Kedar Hezekiah 'to!

"Ano ba ha! Umagang-umaga nambu-bwisit ka agad!" Pasigaw na sabi ko sa kanya.

"Can you please take a chill pill ate? Ang aga ang highblood mo na. Para kang buntis na naglilihi—" natigilan siya. "Puta 'wag mong sabihing bu—"

I cut him off by throwing my pillow at his thick face.

"Gago. Huwag na 'wag mong maituloy 'yang dapat na sasabihin mo dahil sasapakin kita. Anong buntis ka riyan! Hindi ako buntis 'no! At saka ano bang kailangan mo ha?"

Nakakanginig 'yon, shuta. Hindi maganda ang biro niya. Hindi kami lumampas sa ibang stage 'no. Kahit momol nga 'di pa namin nagawa. Hindi ako tunog disappointed, I'm grateful nga kasi he's beyond gentleman. He wouldn't kiss me without asking my permission. He wouldn't touch my hands without my permission pero he would always snake his arms around my waist wether I'd agree or not. His favorite spot daw eh kaya hinahayaan ko lang.

"Ano ngang pakay mo ba't ka nandito? Himala at ang aga mong nam-bwisit. Siguro may kailangan ka 'no?"

He didn't answer my question. What he did is, he sat at my bed at tinignan ang bedsheet ko. Tangina nakakahiya, may tagos! Kahit kapatid ko 'yan, nahihiya rin ako, lalaki kaya siya.

"Kaya pala ang sungit. Congrats ate!" Natatawang sabi niya at pinalakpakan pa ako. Gago, anong trip nito?

Kinunutan ko siya ng noo. "Congrats?"

"Congrats, 'di ka buntis kaya congrats." Humalakhak siya ng pagkalakas lakas.

"Isa na lang ha! 'Wag mong sagadin ang pasensiya ko kung gusto mo pang mag aral!" I threatened him.

"Biro lang naman ate. Nagpunta talaga ako rito kasi may ano... Sa school kasi may ano kami..."

"Ano ka ng ano riyan. Ayusin mo kasi, hindi ko maintindihan."

"May babayaran sa school. 1k 'yon, ang kaso nahihiya na akong manghingi kay nanay kasi kakahingi ko lang last week." Nakangiwing sabi niya.

"Anong ginawa mo sa hiningi mo last week?" I'm trying to control myself para 'di ko siya masigawan.

"Pinambili ko ng sapatos." Nakangusong sabi niya.

"Ayun! Ang galing! Dahil naiinis ako sa 'yo, wala kang 1k ngayon."

"Ate naman! Promise babayaran ko 'pag may sweldo na 'ko sa trabaho ko,"

Mabuti at naisipan niyang mag trabaho. Akala ko kasi puro pasarap lang ang buhay ng gagong 'yan. Buti na lang 'di pa niya naiisip ang lovelife kun'di ewan ko na lang. Inayos ko ang higaan ko at tinanggal ang bedsheet sa kama ko, madami ang tagos kasi first day. I know I'm not going to have a great day ahead.

"Saan ka naman nagta-trabaho aber?!" Nakapameywang na tanong ko sa kanya. Naka-upo pa rin siya sa higaan ko.

"Doon sa bigasan ni Aling Osang. Ako 'yong pinapabantay niya. Taga buhat ng sako ng bigas," Proud na sabi niya.

Mapait akong ngumiti sa kanya. Why do life's so unfair? Minsan nasasaktan ako kapag nakikita ko 'yong mga kapatid 'kong nagsisikap makahanap ng trabaho para 'di maging pabigat. Minsan nasasaktan ako kapag naiisip ko na bakit sa murang edad ay kailangan na namin ng trabaho? Then reality hit me. Hindi kami mayaman para magpaka irresponsable. Hindi kami mayaman para mag waldas lang basta-basta ng pera. Hindi kami mayaman para mag reklamo at higit sa lahat hindi kami mayaman para mag pakatamad. In order to have a good life is to strive and to fight because no matter what happened there is always a room for success.

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon