#NOL22
Ang sinabi nilang hanggang Sabado lang kami rito ay umabot pa ng linggo. They want to spend our Sunday here so we decided to spend our family day here at my Lola's house. Naisipan naming magsimba, ganito naman kami tuwing linggo noong dito pa kami nakatira. We always put God in the center of our lives and we never fails to forget Him.
Way back then, noong ako pa lang ang naipanganak ni nanay at dito kami tumira sa bahay ni Lola. Malaki kasi talaga ang bahay ni Lola to the point na 'pag iniwan namin siya ay mas lalaki pa ang bahay. For some reason ay lumipat kami sa kabilang baranggay. Lumipat kami sa Baranggay Sta. Paraiso sa rasong may naganap na awayan between Tatay and Lola pero ngayon okay na lahat kaya malaya na kaming nakakabalik dito. Noong naipanganak na ni Nanay si Ked ay saka lang nagkabati sina Lola at Tatay. Ganyan naman talaga ang pamilya, nag aawayan but in the end nagkakayos din naman.
Anim na magkakapatid sila Tatay at apat lang ang nandito sa probinsya, 'yong dalawa kasi ay nasa Manila. Bali si Tito Leonard na asawa ni Tita Lyda, siya 'yong papa ni Harold at Thea. Tapos isang kapatid pa ni Tatay ay si Tito Nilo na asawa ni Tita Ann, siya 'yong papa ni Ammy, Angie at sa kambal na si Nico at Neo. Lastly na narito lang sa probinsya ay si Tito Gino na asawa ni Tita Jemma, siya 'yong papa ni Leo, Ella at Jero. Tapos pang apat si Tatay.
"Yow Ate Zayi! Yow Asen na makalat! Yow Hez bantot!" The twins said in unison, si Nico at Neo. Ang kulit! Second name 'yong tinatawag nila sa 'min, ewan ko kung anong trip nila, kami lang naman ang tinatawag nila sa second name.
"Gago! Mas bantot pa kayo sa 'kin, tangina niyo!" Ked cursed at them.
"Bibig mo Ked!" Pag-sasaway ko sa kanya. Maka-mura akala mo 'di Simbahan ang pupuntahan namin.
"Ang pormal natin ngayon, ah!" Natatawang sabi ni Harold sa kambal at kay Kedar.
"Aba dapat lang na umayos kayo dahil paalala lang sa Simbahan ang punta natin hindi sa bar!" Striktang sambit ni Tita Lyda sa mga boys.
"Tita bakit kami lang ang sini-sermonan mo? Ba't 'di mo sermonan 'yang si Thea at Angie, kung makapakita ng cleavage akala mo meron sila nun," sabi ni Jero.
"Hoy aba Jenson Roy Dela Vera! Ang kapal naman yata niyang pagmumukha mo? Kita mo 'yong libro ng kapatid mo? Makapal 'di ba? Gano'n kakapal 'yang pagmumukha mong ubod ng kapangitan!" Galit na sabi ni Thea. Namumula pa 'yong mukha niya sa sobrang galit, handa ng bumuga ng apoy.
"Kuya Jero! Matuto ka ring mahiya 'no! May pa flex-flex ka pa niyang mga braso mo, akala mo naman may muscle 'yan eh puro buto lang naman 'yan." Pag atake naman ni Angie.
Tinawanan ko lang sila at hahayaan na sana pero may something kasi akong nakita. Gusto ko ng tumawa ng pagkalakas lakas kasi 'di na 'ko makahinga sa pagpigil. Hanggang sa 'di ko na talaga napigilan at tumawa na 'ko. I can't take it anymore.
"Ngayon ko lang nalamang may pinsan pala tayong baliw." Naiiling na sabi ni Harold.
"Hindi ako baliw 'no! May nakita lang kasi akong.. sabihin na nating 'di ka nais-nais!"
"Ano na naman 'yang drama mo 'te?" Si Jero.
"Kasi Jero baka may nakalimutan ka?" Kumunot ang noo niya kaya ipinag-patuloy ko na. "Nakalimutan mo kasing mag zipper Jenson kaya bago ka magpasikat sa mga babae sa Simbahan, mag zipper ka muna ha? Nakakahiya kasi!"
Nagulat na lang ako ng biglang humagalpak ng tawa sila. 'Yong kambal napahiga na sa sobrang tawa. Si Jero, ayun pulang pula sa sobrang hiya. Ano ba kasing pumasok sa isip niya't nakalimutan niyang mag zipper. Chix kasi ang inuuna.
"Tama na 'yan. Umayos na kayo't palabas na ang Lola niyo. Kapag marinig kayo nun malalagot na naman kayo!" Si Tita Jemma na pinapagalitan kami.
"Mga apo ko, handa na ba kayo?"
Lumapit agad si Neo sa 'kin at may binulong. Kami na ang nagtabi ngayon.
"Naks! Lakas maka Rated K nitong si Lola."
May Van kasi sila Tito Nilo kaya 'yon ang gagamitin namin papuntang Simbahan. Sa rami ba naman natin kahit tatlong tricycle pa ang kunin 'di pa rin kami magkakasya. Twenty-one kaming lahat kaya dalawang Van ang ginamit namin. Sa isang Van siya ang magmamaneho habang sa isa naman ay si Jero. Salary ni Tito sila Lola, Tita Ann, Tito Leonard, Tita Lyda, Tito Gino, Tita Jemma, si Tatay at Nanay while sa isang Van kaming lahat na magpinsan ang sakay. Aasahan ko na may gulong mangyari 'pag nasa loob na kami ng sasakyan.
"Nico pumirmi ka nga! Ang likot mo, naiipit na ako rito!" Reklamo ni Angie. Si Nico kasi halos sinakop na ang dalawang upuan.
"Ano ba Harold! Para kang tanga kakangiti riyan, excited na excited makakita ng chix?" Reklamo ni Angie kay Harold.
"Hez pwede ba?! Kahit ngayon lang magpakatino ka naman. Huwag kang parang gago riyan." Reklamo naman ni Thea. Sabi ko naman na kami na ang magtatabi ni Ked pero ayaw niya, ayaw niyang katabi si Neo kasi alam niyang makulit din ang isang 'to.
"Kuya Leo habang wala pa tayo, magpakatino ka na! Sa Simbahan ang tungo natin at hindi sa isang bar kaya please lang tama na 'yang pagpapagwapo mo, naasiwa ako sa pagmumukha mo!" Reklamo naman ni Ella kay Leo, pa'no kulang na lang dalhin niya na ang buong vanity mirror sa kakasulyap sa mukha niya.
Ito namang si Neo parang gago. Nasisikipan na ako pero parang wala lang sa kanya.
"Neo ano ba 'yan! Umayos ka nga ng upo! Huwag mong sakupin ang buong upuan baka nakalimutan mong katabi mo 'ko."
"Jero pwede ba ha?! Pwede bang dahan-dahan sa pagmamaneho. Ang kaskasero mo masyado. Wala ka sa race field at walang humahabol sa 'tin." Nababanas na sabi ni Rain. Parang gago naman kasi 'tong si Jero.
"Ano ba ha?! Napupuno na ako sa inyong mga babae! Ang iingay, ang dadaldal, puro reklamo! Magpaka-anghel naman kayo at 'wag magpaka-demonyo!" Sabi ni Jero.
"Ang lakas ng loob mong sabihin 'yan Jeromonyo. Very well said. Easy to say but hard to do. Pero seryoso . . . alam ko namang maloko lang kayo sa labas pero kapag diyos na ang kaharap niyo alam ko namang marunong kayong magdasal at rumespeto. Minsan lang tayong magkita or should I say minsan lang namin kayong makita kasi minsan lang kaming nakaka-bakasyon dito pero 'wag na 'wag niyong kakalimutang nandito pa rin kaming handang dumamay sa inyo. Sabay tayong manalangin at magpasalamat sa Kanya."
Isa-isa silang tumango at nanahimik na. Malapit na rin naman kami sa Simbahan kaya nag ayos na kami. Pagka apak ko pa lang sa labas, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Huminga lang ako ng malalim baka sakaling mawala 'tong kaba ko.
Nagsabay sabay kaming lahat sa pagpasok at umupo kami malapit sa unang upuan. Nasa likod kami nila Lola, nasa pinakamalapit talaga kami kasi aside sa mahina na ang pandinig ni Lola eh ayaw niya ring malayo kami kasi gusto niyang making kami para may matutunan.
The mass started at nag concentrate lang ako sa pakikinig kay father. I erase some negative thoughts and replace it with positive one. Nabalik lang ako sa huwisyo ko ng kinalabit at marinig ko ang boses ni Ammy.
"Peace be with you couz!" Nakangiting sabi niya. Binati ko din siya pabalik at binati isa-isa sila Lola at ang mga Tita't Tito ko. I also greeted my cousins and some other people na 'di ko kilala.
Our Sunday will forever be blessed. Our Sunday will be forever be the best and full of blessings because we're complete and we're with our Almighty God.
Prayer is very powerful and it can create a miracle so keep on praying until God gives you what you prayed for.
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Ficção AdolescenteStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...