Kabanata 12

177 14 4
                                    

#NOL12

Lumabas na ako sa banyo ng tingin ko ay okay na ang suot ko.

'Di naman ako maarte, nagsusuot ako ng kahit ano basta 'wag lang 'yong grabeng damit tulad nung nasa MSBAR dati, 'yong sinabi kung dapat lemonude girls.

"Ang sexy mo talaga ghorl, mamaya baka maglaway pa sa 'yo si Fafa Sib niyan," puri niya.

"Ewan ko sa 'yo. Magbihis ka na nga, dalian mo gaga!" Inirapan ko lang siya at tinulak na papasok sa banyo para makapagbihis na kasi 'pag 'di ko pa tinulak talagang dadaldal pa 'yon.

Bumalik na muna ako sa locker para ayusin ang mga gamit ko na nagulo kanina dahil sa paghalughog ko.

Hindi ko natapos ang pag aayos dahil nag ring ang phone ko. Binitawan ko muna ang bag ko at sinagot ito.

"Hello!" galak na bungad ko sa kanya.

"Where are you!" seryosong aniya, gosh pati boses ang gwapo.

"Nasa locker pa, kakabihis ko lang. Bakit? 'Asan ka ba?"

Inipit ko ang phone ko between my ears and shoulder kasi tinapos ko na ang pagliligpit ng mga gamit ko.

"Papunta na ako riyan. We'll go to MBAR together." Sabi niya at pinutol na agad ang tawag. Aba ang bastos!

Pinuntahan ko na si Heinah na kakalabas lang ng banyo. Naka bralette at white skirt na three inches above the knee siya. Ang sexy ng gaga may pa red lipstick pa, aba kinabog ang beauty ko.

"Alam ko naiisip mo, kalma ghorl ako lang 'to!" Natatawang sabi niya.

Tumawa na lang din ako at umupo sa bench para hintayin si Sib. Tinext ko na siya.

To: SIBuyas

Hoy! 'Asan ka na?

Sibuyas 'yong nilagay kung name niya sa contact ko kasi wala lang, bet ko siya-lang pala, rawr. Ilang saglit lang ay nag reply na rin siya.

From: SIBuyas

I'm on my way to you! By the way, you're so sexy baby.. Wait for me!

Napailing na lang ako sa sinabi niya. 'Di ko na siya nireplayan at hinintay na lang siya rito.

Kinakabahan na excited ako sa mangyayari mamaya. I don't know kung bakit pero dahil siguro first time namin magsama sa isang bar bilang mag boyfriend-girlfriend.

"Ghorl una na ako ha, nasa labas na raw kasi si Daze." Tinapik niya ang balikat ko at umalis na.

Biglang bumilis ang tambol ng dibdib ko nang nakita kung naglakad na si Sib papasok dito sa locker room. Nakasuot siya ng maong ripped jeans at black shirt. Shit ang gwapo. Kahit napakasimple lang ng damit niya may dating pa rin ito. Iba talaga pag Montevello, idagdag pa natin ang height niyang 6'2. Mataas na ang height ko kung ikukumpara sa ibang babae pero hanggang leeg niya lang ako.

Tumayo na ako at sinalubong siya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, aba gago 'to ah para akong hinuhubaran kung makatingin, alam kung masarap ako, masyado nagpapahalataan si Sib. Echos lang!

"Tara na, 'wag mo 'kong tignan ng ganyan, masyadong kang nagpapahalataan," pang aasar ko sa kanya. Ang gago nginitian lang ako.

Hinawakan niya ako sa bewang at iginiya na palabas. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan.


Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na kami sa MBAR. The ride was smooth kasi hindi traffic. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako. Naks gwapo na, gentleman pa, saan pa kayo, arat sa Montevello na charot. Hinakawan niya ako sa kamay at hinila na sa loob.

Loving the Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon