#NOL2
Literal na gulat ang reaction ko ngayon. Ikaw ba naman sabugan ng nakakagulat na balita 'di ka ba magugulat.
"Sir pakiulit nga po, baka mali 'yong narinig ko, teka naglinis naman ako ng tenga kanina ah."
"This is your punishment for being an irresponsible waitress. Anyway, there's this desperate girl who keeps on stalking me and it's creeping the fuck me out."
Napangiwi ako nang marinig ang mura niya. But I can't deny the fact na sobrang hot at nakadagdag sa pagiging gwapo niya ang pagmumura in english ha!
Ako 'yong kinakabahan kay Sir.
"Oh tapos po sir? Anong connect nun sa pag pe-pretend kung jowa niyo?"
Sorry, bobo lang. 'Di ko gets ang point niya eh!
He tsk and roll his eyes.
"She's stalking me, she's so desperate that she said and I quote 'I will do everything to make you mine'. I think she's crazy."
"So kaya po mag papanggap tayo para tigilan ka na niya?" Tanong ko, 'yon lang naisip ko eh. "Tama ba sir?"
"Yes, you need to pretend like you're my real girlfriend so that desperate girl will stop on stalking me."
Ang gwapo at hot mo kasi kaya gan'yan. Ayan tuloy, may desperadang stalker ka na.
Tumikhim ako. "S-Sir pa'no po 'yon? Magtataka sila Heinah kung bakit tayo magkasama. Anong sasabihin ko po?"
"Tsk . . . Don't mind them. We will just pretend like we're a couple 'pag andito 'yong desperadang babae na 'yon, 'cause I'm sure that desperate girl will come here everynight."
Bawasan mo kasi pagiging pogi mo para wala ng gan'yan. Pero sayang. Gwapo pa nama—anong pinagsasabi mo Stolen?
"Eh Sir magtataka pa rin 'yong mga kasamahan ko rito, lalong lalo na si Heinah, eh kung sabihin ko na lang kaya kay Heinah sir? kay Heinah lang naman eh." pagpupumilit ko.
Wala akong maililihim sa gagang 'yon kasi para 'yong si Mike Enriquez, Imbestigador, Di ka tatantanan at ika nga niya Ligtas ang may alam pero higit sa lahat kaya niya nalalaman lahat kasi dakilang chismosa siya.
"Okay if that's what you want then fine tell her, now go back to your work."
Teka pinapa layas na ba ako ng damuhong 'to? Galing ah. Pagkatapos akong sabihan na gagawin niya akong utusan. Minsan nakakasakit na siya ha.
"Sir last na po talaga, may tanong lang ako Sir,"
Hingang malalim muna Stolen, breath in saka breath out, okay game.
"Sir 'di naman po siguro natin gagawin kung ano mang ginagawa ng mag jowa 'di ba? 'Di ba? 'Di ba?"
"We will if in case that desperate girl won't believe us, mapipilitan tayo kung ayaw maniwala ng babaeng 'yon."
Nanlamig ako. Panira ng kinabukasan kung sino man 'yong babaeng 'yon.
"Sige po Sir, balik na po ako sa trabaho."
Lumabas na ako at napasimangot nang maabutan ko si Heinah sa labas.
"Hoy gaga!"
Napatakip ako sa tenga ko dahil malapit na talagang mabasag sa lakas ng boses ng babaeng 'to.
"Alam mo, kung 'di lang kita kaibigan matagal na kitang pinasalvage." Inis na sabi ko. Bigla ba naman kasing sisigaw.
"Ito naman kalma, breath in, breath out ghorl, 'wag masyadong highblood, nakakapanot iyan."
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Dla nastolatkówStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...