#NOL13
"Kuya ang galing galing mong gumiling, lap dance naman diyan pfttt, ang sakit na ng tiyan ko puta," natatawang sabi ni James, isa sa mga waiter sa MSBAR, kasama ko rin siya sa trabaho.
"Masakit tiyan mo? Gago mas masakit 'pag walang tiyan, " sarkastikong sabi ni kuya, halatang naiinis.
"Next na tsk!" umiiling-iling na sabi niya at pinaikot na ang bote ng pagkalakas-lakas, galit na galit. Inintay namin ito hanggang sa tumigil at tumapat kay Daze.
"So ano Daze pre, short or dare?" Maangas na tanong ni kuya at tinapik pa ang balikat ni Daze. Malaki ang ngiti niya dahil alam niyang makakaganti siya.
"Dare!" He said and smirks at kuya. Gumanti rin ng nakakalokang ngiti si kuya kaya tumawa kami kasi alam na naming iba na 'to.
"Hmm . . . Ano kaya ang pwedeng ipa-dare sa 'yo?" sabi niya at humawak pa sa chin niya, aktong nag iisip talaga. "I dare you na sayawan mo 'yong bakla sa dancefloor, 'yong naka dress, chix 'yon brad" natatawang ani kuya at tinuro 'yong baklang nagdadry-hump sa isang lalaki.
"Go! Go! Go!" Panganganchaw ni Heinah, instead na mainis, tumawa lang siya at ipinagtulakan pa si Daze papunta sa gitna.
Lumapit siya sa baklang naka backless red dress at kinausap niya ito saglit bago sinayaw. Tawa kami ng tawa sa mukha niyang mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa sa sobrang pandidiri. Pagbalik niya mura siya nang mura at nanghingi ng alcohol, arte! Inikot na niya ang bote at tumapat kay Sib. He smirks at him and grinned widely, sayang saya sa nangyayari para raw makaganti siya.
"Bro! Shot or Dare? C'mon pick the dare, you're not gay!" pangungumbinsi ni Daze kay Sib.
Ngumiti muna siya kay Daze bago nilagok ang mga inumin. Shuta straight niyang nilagok lahat.
"I choose the shot rather than choosing that fucking dare. I'm just getting myself out of the embarassment bro." Natatawang sabi niya.
"Naisahan mo siya ro'n babe, ah!" Natatawang sabi ko.
"Kuya you should just pick the dare arghhh! I wanna see you do some stupid stuffs," frustrated na sabi ni Bea.
Sib just smirked to his siblings kaya tumawa kami.
"Ate sana you push him, pinilit mo sana siya," nagmamaktol na ani niya.
"Pipilitin ko na sana kaso desisyon masyado eh, 'di pa nga ako nakakapagsalita pumili na agad." sabi ko at inirapan si Sib.
Magsasalita pa sana siya ng pigilan siya ni Heinah at pinandilatan pa 'to.
"Mag spin ka na, lakasan mo, 'yong lakas na kaya akong ipaglaban charot, 'yong titigil sa bebe loves mo,"
Inirapan ko lang siya. Gaga talaga.
Napailing na lang si Sib at sinunod talaga ang request ng gaga, nilakasan niya at dahil sa sobrang lakas nito, ang ending tumapat talaga sa 'kin. Tumili si Beatrix, animo'y kilig na kilig.
"Ano?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
Ngumuso siya at pinigilang ngumiti. Pansin ko parang biglang tumahimik ang paligid pero siguro guni-guni ko lang 'yon since haler nasa bar kami so literally maingay talaga.
"Babe I would rather feel at ease pag pinili mo 'yong pangalawa." Natatawang sabi niya.
"Ewan ko sa 'yo. Dare na!"
Naghiyawan sila at nag uunahan pa sa pagbulong kay Sib, kung ano ang ipapa-dare nila. Napailing na lang ako sa kakulitan ng mga kasama ko.
Bigla akong kinabahan sa ipinakita nilang ngiti. Something's fishy.
"Dare mo, sabi nila kiss daw ng two seconds,"
Nanlaki ang mata ko at uminit ang buong mukha ko ng marinig ang sinabi niya. Nagdadalawang isip pa ako kung gagawin ko na o hindi.
Pinandilitan ko si Sib at pasimpleng kinurot ang tagiliran niya. Hinawakan niya lang ang kamay ko para pigilan ako. Talandi kasi, pumayag ba naman agad.
"C'mon babe, they're waiting,"
Inirapan ko lang siya at dahan-dahang lumapit sa mukha niyang napakagwapo. His red lips meet mine for two seconds. Humiwalay agad ako pagkatapos ng two seconds kasi panay na ang hampas ni Heinah sa braso ko.
"Omy goshin! Ahhhhh!" Sabi ni Bea na panay tili at pinaypayan pa ang mukha, kilig na kilig masyado.
"Ayieeee! Kilig kilig betlog mo ghorl! Ay wala ka pala nun." natawang sabi niya.
Nag spin na lang ako at tumapat ito kay Gab.
"Gabieeee, shot or dare?" Tanong ko habag tinaas baba ang kilay.
Ngumiwi si Gab nang natuon ang tingin niya sa drinks. Nasa seventeen pa kasi si Gab kaya mukhang bawal pang magwalwal, baliw kasi 'tong si Heinah, ito ba naman ang naisipang laruin. Actually si Bea, Gab at Lance ay magka edad lang tapos si Daze, Heinah at ako naman ang magka edad while si Sib at James ay parehong nineteen years old. Si Ate Shiela at Kuya Raiven ay twenty years old naman kaya parang sila 'yong taga gabay namin dito dahil sila ang mas nakakatanda s a'min.
"Ate, ano.. dare na lang," napipilitang sabi niya.
At dahil masyadong bida-bida 'tong si Heinah, lumapit kaagad sa 'kin at ibinulong ang dare ni Gab.
"Gab I dare you to hug lance for five seconds," sinabi ko ang suggestion ni Heinah.
Biglang namula si Gab at Lance. Lance is one of the waiter MSBAR. Ginawa naman nilang dalawa ang dare. Naghiyawan kami lalo dahil niyakap din ni Lance pabalik si Gab.
Pulang-pula silang dalawa pagkatapos ng five seconds hug. Inikot ni Gab ang bote at tumapat kay Lance. Shot ang pinili niya kaya nag proceed na kami. Pag spin niya ay tumapat ito kay Ate Shiela, shot din pinili niya kaya nag proceed na naman kami sa susunod na tatapatan ng bote. Tumigil ito kay Bea at dahil andito ang dalawa niyang kuya na masama na ang tingin sa kanya kaya nag dare na lang siya.
"Bea, Sa dare king 'to alam kong aalma ang mga kapatid mo pero 'wag kang makinig sa kanila, so ito na. I dare you na makipag holding hands kay James within the whole game." Diretsong sabi ni Ate Shiela na ikinalaki ng mata ni Bea. Palipat-lipat ang tingin niya kay James at sa dalawang kuya niya.
Napakamot naman sa batok si James at akmang mag poprotesta nang lumapit na si Bea sa kanya at hinawakan ito at dahil within the whole game ay ayun pulang-pula ang dalawa. Inikot ni Bea ang bote gamit ang kaliwang kamay at tumapat kay Heinah dahil siyempre ayaw gumawa ng dare ang gaga ayon nag shot siya. So on and so forth hanggang sa natapos kami.
Nag usap lang kami at nag inuman, ayaw pa sana payagan nina Sib at Daze ang bunso nila kaso nagmakaawa sa aming dalawa ni Heinah kaya pinayagan na rin nila 'to. Nakakatunaw sa puso tignan kung paano nila tinutukan ang bunso nila, masyadong OP kasi nga bunso nila tapos babae pa.
Unti-unti ko ng nakikilala si Sib at ang pamilya niya. Speaking of his family, naalala ko na naman ang lola niya, sumikip ang dibdib ko nang maalala 'yon at ang mga masasakit na salitang binitawan niya. Huminga na lang ako ng malalim para mabawasan ang kirot sa dibdib ko.
'Wag maging nega, Stolen! Fighting!
As the day passed by napapansin ko sa sarili ko na unti-unti na akong nagbabago, what I mean is I changed for the better. I became stronger to face another battle of my life. Ang pagbabagong 'to ay isa sa naging dahilan kaya naharap ko ang relasyon namin ni Sib kumbaga kasi dati takot akong pumasok sa isang relasyon dahil takot akong mag commit sa isang lalaki, ayoko lang magaya sa nangyari sa pamilya ko dati.
Si Sib, siya ang mas nagpabuild up sa confidence ko tapos siya ang naging dahilan kaya hindi na ako natatakot makipag halubilo sa ibang tao lalong lalo na sa lalaki.
January 28, 2021 is one of the happiest day of my life. This day is the day kung saan naganap ang welcome party ni madam at ang gabi kung saan opisyal na naging kami. No more pretending anymore. This night is one
of those most memorable night that we had.Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa diyos na binigay niya sa 'kin si Sib and I hope our relationship would last until forever because I believe that there's forever and there's no ending. Like what they say true love never ends because true doesn't have an end.
BINABASA MO ANG
Loving the Night
Fiksi RemajaStolen Zayineth Dela Vera, a typical probinsyana girl who loves her family dearly that she could sacrifice everything including her happiness just to help her parents and siblings. She came from a family that ain't wealthy in money but wealthy when...