Chapter 3

5.6K 164 6
                                    

3.

Napilitang magbihis si Jordan sa kwarto. At pagbalik niya sa sala, may nakahanda ng pagkain. Take out meal na galing sa kfc.

"Sorry kung hindi ako nakapagluto, ha. Wala na kasi akong time, eh. Pero next day off ko, ipagluluto kita. For the mean time, KFC muna tayo." nakangiting sabi ni Giselle na parang nahihiya pa.

"Hindi mo naman ako kailangang ipagluto, eh." walang mababakas na reaksyon sa mukha ni Jordan.

Napanguso ang dalaga. "Are you sure? Eh kung hindi pa nga ako nagpunta dito, siguradong matutulog ka na lang ng walang laman ang tyan." katwiran nito.

Napailing na lang siya at naupo na sa sofa. "Tara na, kumain na tayo para makauwi ka na." yaya niya at kumagat ng fried chicken.

Napailing si Giselle pero sumunod rin ito sa kanya.

Hinayaan na lang ito ni Jordan nang tumabi ito sa kanya sa sofa at kumuha na rin ng pagkain.

“Bakit ba lagi mo na lang akong pinapauwi?” tanong nito sa kanya. Nalaglag ang ilang hibla ng buhok ni Giselle sa kanyang mukha na lalong nagpaganda sa dalaga.

Nalingon niya ito. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit nagtatyaga pa rin ito sa kanya kahit na ilang beses na niyang sinabi dito na wala naming mangyayari sa kanilang dalawa dahil hinding-hindi niya ito mamahalin. Gaya ng sinabi ni Carlo sa kanya, maganda si Giselle at isa ito sa mga babaeng papangarapin ng bawat lalaki. Matalino at may sinabi rin sa buhay. May magandang trabaho. At lahat ng iyon ay sasang-ayunan niya. Pero matigas ang dalaga. Tinanggap na rin naman niya na siguro nga ay natamaan ng husto sa kanya ang dalaga. At sa tanang buhay niya, ito lang ang babaeng tumagal ng isang taon sa paghahabol sa kanya. Hindi daw siya nito susukuan, ano man ang mangyari. Dahil naniniwala ito na isang araw, mabubuksan rin nito ang puso niyang matagal na niyang sinarado.

“Dahil kailangan mo naman talagang umuwi. Isa pa, gabi na. Ang hilig mong magpunta dito ng gabi.” Katwiran niya.

Ngumisi ito. “Baka sakaling, makalusot ako, eh. Baka patulugin mo ako, kaya sa gabi ako nagpupunta.” Pilyang sabi nito.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ni Jordan kung gaano siya nito gusting makasama. Kulang na nga lang ay maghubad ang dalaga sa harap niya para lamang gustuhin niya ito.

Napailing siya at sumubo ng kanin. “Humanap ka na ng ibang lalaki. Wala kang mapapala sa akin.” Pang-ilang ulit na ba niya itong sinabi?

Natigil ito sa pagkain at naibaba ang plato na hawak. “Jordan! Di ba sabi ko, ayoko ng iba? Alam mo naman kung ano’ng gusto ko.”

“Bakit ba kasi hindi mo maintindihan na hindi ako interesado sa yo? Ako na lang ang napapagod sa kakahabol mo, eh. Tama na, Giselle. Maganda ka. Huwag mong sayangin ang oras mo sakin.”

“Hindi ako makikinig sa ‘yo. Hayaan mo akong gawin ang gusto ko. Hayaan mo na lang ako, please.” Pakiusap pa nito at natitigan siya.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon