Chapter 34

3.7K 144 4
                                    

34.




Nanatiling nakahilig si Shin sa balikat ni Jordan hanggang sa maabutan sila sa ganoong ayos ni Paul. Iniabot nito kay Jordan ang isang puting plastic bag na may lamang samu't saring kutkutin sa natitirang oras nila sa bus bago sila sumakay sa barko patungong probinsya ng Masbate.


"May limang oras pa bago tayo makarating sa pier. Huwag niyong gutumin ang mga sarili niyo. At huwag puro PDA." Gaya ni Jordan, nakasuot rin ng itim na sumbrero si Paul ngunit base sa pananalita nito kahit na hindi maaninag ng mabuti ni Shin ang reaksyon ng mukha ng pinsan ay sigurado siyang inis ito sa sobrang kasweetan na pinapakita ng kanyang kasintahan. Gusto niyang matawa dahil alam niyang namimiss lang nito si Jenny kung kaya't nakakaramdam ito ngayon ng pagkainis.


Naupo ang binata sa tabi ni Jordan na sinundan nito ng tingin. "Eh di dapat sinama mo rin siya." suhestyon nito. Natapik niya ang dibdib nito kaya siya nilingon.


"O bakit, may masama ba sa sinabi ko?" takang tanong nito.

"Ano ako, gago?" pairap na sagot ni Paul.


"Meron bang bagong balita? Si Alex, na-contact mo ba?" pag-iiba niya ng usapan. Umaasa pa rin kasi siyang ang spy nila Alvin na malaki ang naging tulong sa kanya ay buhay pa at maaari pa nitong masabi sa kanila ang nangyari pagkatapos ng madugong engkwentro nila sa mga tauhan ng mga Jiro.


Natingnan siya ni Paul. "Pag-uusapan natin yan, Shin. Pero huwag dito." sabi nito sa pinakamababang tono.


Wala sa loob na napatango siya at umayos na ng upo. Ngunit ipinagdarasal din ni Shin ang kaligtasan ni Alex. Na sana ay buhay pa ito hanggang ngayon.


Muling bumalik sa kanyang alaala ang pinakahuling ngiti ni Alvin na ibinigay sa kanya habang paulit-ulit itong pinagbabaril ni Abby.


"Okay ka lang ba?..."


Napalingon siya kay Jordan na titig na titig sa kanya at gumuhit ang pag-aalala sa mukha ng binata.


Nangitian niya ito bilang tugon at saka pinisil ang kamay nitong hawak niya. "Okay na ako."


"... Gusto mo bang kumain?" alok nito.


Ngunit umiling siya. At agad niyang natingnan ang tv na naka-hang sa bandang unahan ng bus nang buksan ito ng driver dahil babyahe na silang muli.


"Manood na lang tayo." sabi pa niya at nailapat nang mabuti ang likod sa sandalan ng kanyang upuan. Itinuon na rin ng dalawa ang atensyon sa maingay na TV.


"Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap ng mga pulis ang nagtatagong suspek na si Jordan Castillo sa kasong pagpatay ni Giselle Morales, mahigit isang linggo na ang nakararaan..."


Agad napakunot ng noo ang dalaga nang marinig ang pangalang nabanggit.


THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon