Epilogue

5K 136 14
                                    

Epilogue


Hindi siya naniniwala sa karma dahil naniniwala siyang kontrol nila ang lahat pero ito ang nangyayari sa kanya. Makapangyarihan ang kanilang pamilya kung kaya't nakukuha at nagagawa nila ang lahat ng gusto nila.

Ilang oras na siyang nakalagak sa mismong kinatatayuan ni Jordan, bago niya ito hayaang makawala kasama si Shin.

Hindi inasahan ni Kei na ang ginawa niyang pagpapahirap sa binata ay agad din niyang mararanasan pagdating ng ama mula sa Japan.

Muling tumulo ang ilang patak ng dugo mula sa kanyang dibdib pagkatapos siyang muling hampasin ng matandang Jiro. At sa dami ng hampas na natanggap niya mula sa ama ay tiyak na naghalo na ang dugo nila ni Jordan dahil sa mga tumulong dugo mula dito nang gawin niya rin ito sa binata.

Kasabay nang paghangos ng matanda ay siya namang hugot ng anumang hangin na maaaring makuha ni Kei. "I-Ilang ulit na kitang sinuway p-pagdating kay Shin... P-Pero bakit kailangan mo pa akong... Kailangan mo pa akong saktan?" mahina niyang tanong.

Hindi niya maintindihan ang itinakbo ng utak nito. Kung paano'ng humantong sa ganitong pagpaparusa, pareho sa ginawa niya kay Jordan ay wala siyang idea. Wala siyang alam. At lalong hindi niya inaasahan na masasaktan siya nito, sa ganito pang paraan.

"Ano bang sabi ko sa 'yo?! Di ba binigyan na kita ng chance na patayin ang babaeng yun dahil pinahiya ako?! Dahil tinakasan ka?! Bobo ka ba talaga o sunod-sunuran lang sa kanya?!" nanlilisik ang mga mata nito sa sobrang galit.

Muli niyang naalala si Shin, at ang nangyari sa kanilang dalawa. May nangyari na pero, si Jordan pa rin ang pinili nito.

Muli niyang naramdaman ang matinding kirot sa kanyang dibdib na para bang gusto nang sumabog ng puso niya.

Natitigan niya ito. Matatag ang matanda at hindi siya inaalisan ng tingin, patunay na wala itong inuurungan, kahit pa siya, na sariling anak.

"A-Alam kong... M-May iba pang dahilan... Sabihin mo... Bakit p-parang n-napakaimportante naman yata niya sa 'yo d-dahil, ayaw m-mo siyang ipa---patay."

Hindi naman ito gagawin ng kanyang ama kung walang dahilan. At gusto niyang malaman ang lahat, kung ano man iyon.

Umangat ang sulok ng labi nito at iniangat ang kamay na may hawak ng latigo, inihahanda sa muling paghampas. "Sino ka para kwestyunin ako?"

Napalunok si Kei. Ngalay na ngalay na ang kanyang dalawang kamay na parang gusto na lamang niya itong putulin para makawala na sa pagkakabitin sa mga bakal.

"A-Anak mo ako..."

Muli siyang natitigan ng ama saka nginitian. "Yun ang alam mo."

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon