Chapter 14

4.4K 147 6
                                    

14.

Iilang oras lang ang naging tulog ni Shin dahil hindi niya napigilang mag-alala kay Jordan pati na rin ang isiping, posibleng may mangyaring masama dito kung uulitin pa nito ang kapangahasang ginawa nito kahapon.

Natatakot siya para sa binata. Hindi nito alam ang pinapasok nito at lalong hindi niya mapapayagan na mamamatay ito nang dahil lang sa kanya, na hindi niya ito nagawang maprotektahan hanggang sa huli.

"Shin! Are you even listening?!" at doon siya napapitlag nang marinig ang mataas na boses ni Kei.

Nalingon niya ito at kunot ang noo itong nakatitig sa kanya, na halatadong naiinis dahil hindi niya binibigyan ng atensyon ang sinasabi ng wedding planner nila tungkol sa nalalapit nilang kasal na gaganapin na sa sunod na buwan.

"Pasensya na. Iniisip ko lang yung tungkol sa mga training requests na pinasa kahapon." alibi niya ngunit ang totoo ay nag-iisip siya kung paano niya masisigurong hindi na mauulit ang nangyari kahapon.

Hanggang ngayon kasi ay hindi niya alam kung wire tapped nga ang mga inbound and outbound phone calls niya sa kanyang opisina.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Kei. Ang wedding planner ay napasandal sa couch na inuupuan nito.

"Tungkol 'to sa kasal natin! Wala ka ba talagang pakialam?!"

"Hindi mo ako kailangang sigawan, Kei. Magkaharap lang tayo, at naririnig kita." at seryoso niya itong natitigan.

"Wala akong pakialam! Kagabi ka pa ganyan! Kaya nga tayo nagpalate para asikasuhin yung kasal natin and then what?! Lumilipad ang utak mo?! Bullshit!"

Natingnan niya ang wedding planner na kaharap nila na halatang natakot kay Kei.

"I-I'm sorry, Ms. Dela Rosa. Pero, pwede bang ituloy na lang po natin 'to bukas? Okay lang ba?" pakiusap niya sa babae.

Alanganin itong tumango at iniligpit na ang dalang clearbook.

"See you tomorrow, then. Same time?" tanong nito.

Matipid siyang ngumiti. "We'll let you know." sagot ng dalaga.

Pagkatapos nitong magpaalam ay naihatid ito ng bodyguard sa labas. Saka niya muling hinarap ang galit na binata na nakaupo pa rin sa sofa, at nakalapat ang likod sa sandalan nito habang pikit ang mga mata. 

"Hindi mo dapat ginawa 'yon. Nakakahiya sa kanya. Nagsisigawan tayong dalawa, at sa mismong harapan pa niya."

"Alam mo kung bakit ko ginawa yun." katwiran nito nang hindi pa rin idinidilat ang mga mata.

Napabuntong-hininga siya at iniiwas ang tingin sa binata. "Magbibihis na ako. Marami pa akong reports na dapat ireview." kailangan niyang makaalis dito, kailangan niyang makarating ng opisina.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon