Chapter 17

4.8K 160 18
                                    

17.

Hindi niya maisip kung gaano kagaling sa pakikipaglaban si Shin kung totoo man ang sinasabi ni Paul na galing sila sa pamilya ng mga yakuza. Ang babaeng nakilala niya bilang mahinhin at malambing, ang babaeng normal katulad ng iba, at ang babaeng mahal niya, ay mas astig pa pala kaysa sa kanya kung papaniwalaan niya ang mga rebelasyon ngayon ng kanyang kaibigan.

"P-Paul... Wala akong maintindihan sa mga sinabi mo." hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin si Jenny sa mga sinabi ng nobyo.

"Nagpapatawa ka, Paul. Imposible yang sinasabi mo." tanggi niya at makailang ulit na napailing dahil ayaw niyang maniwala sa sinabi nito. Ayaw niyang isipin na pumapatay ang pamilya nila, na kayang gawin iyon ni Paul. O ni Shin. Malayo iyon sa hinagap niya.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala, Jordan. Pero gusto kong sabihin 'to sa inyo para malaman niyo ang totoong dahilan kung bakit umalis si Shin. Kung bakit ka niya iniwan. Na hindi totoong tinalikuran ka ng pinsan ko. Oo, sa tingin mo at sa tingin ng ibang tao, pwedeng ganon nga ang maging dating sa inyo, pero maniwala ka. Kapakanan mo lang ang iniisip ni Shin. Ayaw ka niyang madamay sa matagal ng problema ng pamilya namin... At yun din ang dahilan kung bakit pinili kong itago ang tungkol dito sa 'yo, Jen. Tinago namin ang totoong pagkatao namin dahil gusto naming mamuhay ng tahimik. Ng normal. Kaya pinakatatago namin ang pagkatao namin." paliwanag pa nito.

"Pero mahal... Bakit kailangan niyong itago ang katauhan niyo sa iba? Ano bang ginagawa ng mga yakuza na sinasabi mo?" inosenteng tanong ng dalaga.

Gustong matawa ni Jordan nang marinig ang tanong na iyon. Nalingon niya si Jenny na hindi pa rin makuha ang sinasabi ng nobyo, patunay lang kung gaano ito kainosente sa mga ganitong usapin. Sa bagay, ano nga bang alam ni Jenny sa mga ganitong usapin? Kahit siya, ano nga bang alam niya? Ano'ng alam niya sa mga yakuza?

Naabot ni Paul ang isang kamay ni Jenny saka ito pinisil. "Hindi ko alam kung matatanggap mo pa rin ako pagkatapos kong ipaliwanag ang lahat sa 'yo mamaya, mahal. Pero gusto ko munang malaman kay Jordan ang tungkol kay Shin..." at nalingon siya nito. 

"... Gusto kong hingin ang impormasyon kung paano mo siya nakausap, saan mo siya nakita, at kung may kasama ba siyang iba nung nagkita kayo." itinuon ni Paul ang atensyon sa kanya, na handang makinig sa lahat ng sasabihin niya.

"Sa Starbucks kami nagkita. May kasama siyang mga bodyguards at hindi ko maintindihan kung para saan yun. Tapos, yung... yung b-bf niya." nahirapan siyang banggitin ang mga huling salita dahil naramdaman na naman niya ang malaking tinik sa kanyang lalamunan.

"Shit. Ang mga Jiro. Hawak na nga siya ng mga Jiro." at tiim bagang na nag-iwas ito ng tingin.

Wala sa loob na napaayos ng upo si Jordan nang marinig ang kakaibang kaba sa boses ni Paul matapos banggitin ang mga salitang iyon.

"Kilala mo ang mga Jiro?" takang tanong niya.

Napabuntong-hininga ang binata at muli siyang nilingon. "Mortal na kaaway ng pamilya namin ang mga Jiro. Sila ang dahilan kung bakit hindi natin kasama si Shin noon, dahil matagal na siyang pinaghahanap ng mga Jiro, para lang ipangbayad utang. Para ipakasal sa anak ng matandang Jiro. At yun ang dahilan kung bakit kailangan naming magtago. Kailangan naming mamuhay na malayo sa kabihasnan. Dahil alam naming gagawin nila ang lahat, para lang ubusin ang pamilya namin, at para lang makuha si Shin."

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon