40.
"Young Master, sigurado po ba kayo sa gagawin niyo? Paano po yung utos ng Papa niyo kung iuuwi pa natin sila?" tanong ni Jorge, ang lider ng grupo ng mga yakuza na pinamumunuan niya.
"Mas malaki pa rin ang utang sa akin ni Shin kaya ako pa rin ang masusunod. Huwag mo nang isipin si Papa. Wala naman siyang magagawa, at hindi naman natin siya maaabutan ngayon." sagot ni Kei habang himas himas ang buhok ng dalaga na nasa tabi niya at nakahilig ang ulo sa kanyang balikat matapos niya itong suntukin ng malakas sa tyan dahilan para mawalan ito ng malay.
Natingnan niya ang lalaking katapat nila, ang sinasabing boyfriend ni Shin, at ang totoong nagmamay-ari ng puso nito. Hindi na gumagalaw ang binata, ngunit nasisiguro niyang buhay pa rin ito hanggang ngayon. Napag-alaman niyang malaki ang sugat nito sa likod. Hindi naman talaga iyon ang sinabi niya sa mga tauhan niya, ngunit hindi na siya nagreklamo dahil pabor din naman ito sa kanya.
Hindi maalis sa mukha niya ang napakalaking ngiti nang makita kung gaano ito nahirapan noong hinalikan niya ang dalaga. Kung gaano ito nasasaktan sa nakita.
Hindi pa 'yan ang mararanasan mo. Sisiguraduhin kong, unti-unti kang mamamatay, at mararamdaman mo ang lahat ng naramdaman ko noong iniwan niya ako sa mismong araw ng kasal namin.
At kung noon ay nagawa siyang takasan ni Shin, sisiguraduhin niya ngayong hindi na ito makakawala sa kanya.
"Nag-aalala lang naman po ako, Young Master. Alam niyo po kung paano magalit si Master Jiro." dagdag pa nito.
Nalingon niya ang bruskong lalaki at natitigan. "Ano bang sabi ko sa 'yo? Sinabi ko bang makialam ka?" tanong niya dito. At doon natahimik ang lalaki saka itinuon ang pansin sa daan.
Muling nasulyapan ni Kei ang kanyang cellphone na kanina pa tunog ng tunog dahil sa tawag.
Hindi niya alam kung ilang beses na niyang kinansela ang tawag ni Abby pero, napilitan na siyang sagutin ito ngayon.
"Hindi ka pa ba uuwi? Ano pa bang ginagawa mo dyan?"
Napakunot noo si Kei sa tono ng pananalita ng dalaga.
"Hindi naman kita asawa, di ba? Bakit kailangan mong magtanong?"
"You're always rude. Makikita mo rin isang araw, ako ang ihaharap mo sa altar, Kei. So please, umuwi ka na."
Gumuhit ang isang malaking ngiti sa kanyang labi. "Dream on, Abby." at saka niya pinutol ang tawag.
Nalingon niya si Shin at marahang nahaplos ang makinis nitong mukha. Kahit nasasaktan pa rin siya sa katraydurang ginawa nito sa kanya ay hindi niya maiwasang maging masaya dahil muli niya itong nahawakan. Muli niya itong nakita at nakasama.
"Tayong dalawa lang, Shin. Tayo lang ang para sa isa't-isa. Walang Abby, walang Jordan."
Sa kalagitnaan ng byahe nila pabalik ng Maynila sakay ng helicopter ay nagising si Shin at muling nagpumiglas sa kanyang pagkakahawak. Kaya naman itinali ng kanyang tauhan ang mga kamay ng dalaga gamit ang lubid at nilagyan ng tape ang bibig upang hindi na makapag-ingay.
Agad silang sinalubong ng mga tauhan ng mansyon nang makarating sila, kasama si Abby.
Yayakap na sana ang dalaga sa kanya nang bigla itong napaatras dahil sa pagkakakita kay Shin na kanyang inaalalayan na hindi makagalaw at makapagsalita.
Nawala ang magandang ngiti ni Abby at agad na kumunot ang noo. "Ano'ng ibig sabihin nito? Akala ko ba pinatay mo na siya?..." at nalingon nito ang katabi niyang yakuza kung saan buhat-buhat nito si Jordan na wala pa ring malay hanggang ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/31333909-288-k766268.jpg)
BINABASA MO ANG
THE ONE That I Will Save (BOOK 2)
RomanceInisip ni Shin ang kapakanan ni Jordan. Pinili niyang iwan ito para sa kanyang kaligtasan. Pinilit na lumimot ni Jordan matapos siyang talikuran at iwan ng babaeng pinakamamahal. Ngunit nang matuklasan niya ang katotohanang pilit na itinago sa kan...