Chapter 30

4.5K 159 17
                                    

30.



Sinubukan naman niyang idelay ang araw ng kanilang kasal ngunit hindi pa rin ito nagawa ni Shin. Pinili niyang huwag inumin ang mga gamot na inireseta sa kanya ng doktor na nagpunta at nag-check sa kanya nang sa ganon ay magkaroon siya ng  dahilan sa mga Jiro upang maiset sa ibang araw ang kanilang pag-iisang dibdib ni Kei. Ngunit kahit ang binata ay sumang ayon sa gusto ng ama nito. Kahit si Kei ay minamadali na ang kanilang kasal kahit pa inaapoy siya ng lagnat ngayon. Walang pakialam ang mga ito sa kanyang sitwasyon at determinado sila na matapos ang araw na ito nang nakatali na siya sa pamilya ng mga Jiro.


Nanghihina pa rin ang mga tuhod niya at parang anumang oras ay gugustuhin niyang bumagsak dahil sa sakit ng kanyang ulo. Wala sa loob niya ang tumayo sa harap ng salamin upang sipatin ang sarili.


Kaunting make up lang ang inapply sa kanyang mukha ngunit halata pa rin sa kanyang aura ang hindi magandang pakiramdam kahit na napaka-engrande ng disenyo ng kanyang puting-puti na wedding gown.


Ilang beses siyang napabuntong hininga sa hangaring, sana ay panaginip lamang ang lahat ng ito. Hindi niya maiwasang hilingin na sana ay hindi matuloy ang kasal nila ni Kei, na sana ay may mangyari man lang na himala.


Nitong mga nakaraang araw, simula nang magkulong siya sa CR pagkatapos nang mapangahas na pagtatangka ni Kei ay hindi pinapapasok ang sinuman sa loob ng kanyang kwarto kung kaya't hindi niya nakakausap si Alex, kung kaya't wala siyang kahit na ano'ng balita tungkol sa plano ni Alvin, at kung totoo ngang nakipag-usap na ito kay Paul o kay Jordan.


Wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari kaya naman, unti-unti ring nawawala ang katiting niyang pag-asa na siguro ay pwede pa siyang makatakas at makawala sa mga kalaban para makabalik sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.


Habang palapit nang palapit ang oras ng seremonya ng kanilang kasal ay mas lalo siyang nanghihina. Dahil wala siyang idea kung ano na ang susunod na mangyayari sa kanya.


"Ms. Shin... Handa na po ang lahat. Okay na ba kayo?" tawag ni Annie mula sa labas.


Nalingon niya ang pinto bago muling humugot nang malalim na hininga. "Palabas na." tugon niya dito bago ulit sulyapan ang kanyang pagal at walang kasiya-siyang mukha para sa araw na ito.


Bumungad sa kanya ang nakangiting si Annie matapos lumabas sa kanyang kwarto. Agad siyang sinundan ng kanyang mga bodyguards sa pagbaba sa hagdan.


"Napakaganda niyo sa suot niyong wedding gown, Ms. Shin! Kaya hindi nakakapagtaka na gustong-gusto kayo ni Young Master." puri ng katulong.


Matipid na napangiti ang dalaga. Ngunit taliwas ito sa nararamdaman niya lalo na't sariwa pa rin sa kanyang alaala ang ginawang kapangahasan ni Kei sa kanya. Mabuti na lang at may natitira pa ring kabutihan sa binata dahil hindi nito naituloy ang binabalak.


Kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin siya. Dahil hanggang ngayon, kahit sa mismong araw ng kanilang kasal ay umaasa pa rin siyang magkikita sila ni Jordan. At hindi niya alam kung paano niya  haharapin ang binata kung sakaling may nangyari nga sa kanilang dalawa.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon