Chapter 27

4.3K 164 9
                                    

27.

"Pakikuha na nga yung susi para sa kwarto niya." utos niya kay Annie nang hindi pa rin nagbubukas ng pintuan si Shin pagkatapos ng ilang beses niyang pagkatok.

Agad na tumalima ang katulong at tumalikod sa kanya upang kunin ang susi ng kwarto ng dalaga.

Napabuntong-hininga si Kei at muling naalala ang nangyari kaninang madaling araw. Kung paano'ng para siyang binuhusan ng tubig nang marinig niya ang impit na pag-iyak ni Shin habang nawawalan siya ng kontrol sa kanyang sarili. At ito rin ang dahilan kung bakit sa huli ay tumigil pa rin siya. Kung bakit sa huli ay pinakinggan pa rin niya si Shin, kahit na ang sakit-sakit na ng puso niya dahil sa matinding pagseselos at galit.

Agad dumating si Annie at iniabot sa kanya ang susi. Pagbukas niya ng pintuan ay tanging ang magulong bed sheet ng kama nito ang kanyang nadatnan. Wala dito ang dalaga.

Napatiim bagang siya at nalingon ang mga bodyguards na nasa likod niya. "Ano'ng nakita niyo sa CCTV?" tanong niya sa mga ito.

"Pumasok po sa CR si Ms. Shin, Young Master. Hindi pa namin siya nakikitang lumalabas." sagot ng isa sa mga ito.

Agad niyang tinungo ang tapat ng CR ng kwarto nito at pinihit ang doorknob pero nakalock ito.

Shit! Huwag naman sana. 

Natatakot siyang baka saktan ng dalaga ang kanyang sarili dahil sa ginawa niya dito kanina kung kaya't pinakuha na rin niya ang susi dito nang ayaw siyang pagbuksan.

"Shin! Alam kong nandyan ka! Buksan mo 'to, mag-usap tayo!" sigaw niya dito pero tanging ang mahinang agos lang ng tubig ang naririnig niya mula sa labas.

Agad niyang pinihit ang door knob upang mabuksan nang ibigay sa kanya ang susi.

At agad siyang napaluhod nang makita ang basang-basa na si Shin habang yakap-yakap ang sarili at nakapikit sa ilalim ng shower.

Nakaupo ang dalaga sa malamig na sahig at tila wala itong malay na nakasandal sa pader ng malawak nitong CR.

"Shin! Shin!" at malakas niyang niyugyog ang mga balikat nito upang magising. Ang damit na suot nito kagabi ay hindi pa rin nito napapalitan. 

Muling niyugyog ni Kei ang dalaga upang pilitin na gisingin. Hindi niya alam kung natutulog lang ba ito o nawalan na ito ng malay dahil sa sobrang lamig sa ilalim ng shower. Pati ang mapulang labi ni Shin ay nawawalan na ng kulay.

Bubuhatin na sana niya ang dalaga para mailapag sa kama nang unti-unting dumilat ang mga mata nito at kunot-noong napatingin sa kanya. Ilang sandali pa ay nagpupumilit na itong kumawala sa pagkaka-alalay niya.

"L-Lumayo ka! Lumayo ka sa akin! Bitawan mo ako!" at tila takot na takot itong nagsisigaw para lang tuluyang makalayo sa kanya.

"Shin! Ano ba! Ako 'to, si Kei! Tumigil ka nga!" saway niya dito at saka pilit na hinuli ang mga kamay nitong iwinawasiwas sa kanya. Pati ang damit ni Kei ay basang-basa na.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon