Chapter 38

4.1K 147 19
                                    

38.



Wala nang sumunod na usapan pagkatapos ng deklarasyon na iyon ni Jordan. Naging tahimik ang lahat hanggang sa matapos ang kanilang tanghalian. Katulad ng dati, hindi sumabay sa kanila ang mga magulang ni Jenny at inilapag ang mga pinagkainan sa hugasan nang matapos na rin ang mga ito.


Nagprisinta na ang kanyang Auntie Lenny sa paghuhuggas kaya hinatak siya ng kasintahan palabas ng bahay.


Tahimik ang buong paligid at puro huni ng ibon ang kanilang naririnig. Hindi niya alam kung saan nagpunta si Paul at Jenny ngunit hindi nakita ni Shin ang dalawa sa sala. Maging ang mga magulang ng dalaga ay wala roon.


"Sino pa bang hinahanap mo eh nandito naman ako?" tanong ng binata at nahawakan nito ang kanyang mukha para iharap dito.


Nakangisi ito at akma na siyang hahalikan nang bigla itong tumigil sa paglapit.


"Sa tingin ko naman, tama ang sinasabi ng mama at papa mo." sabi niya.


Agad itong napakunot ng noo at bahagyang lumayo. "Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhan nitong tanong.


"Yung tungkol sa kasal. Yung tungkol sa sinabi mo. Hindi naman talaga natin kailangang magmadali para doon. May mas importante pa tayong dapat gawin maliban dun, di ba?" sagot niya.


Matagal siya nitong natitigan bago tuluyang nabitawan ang kanyang mukha at  tumalikod mula sa kanya.


"So ano'ng gusto mong sabihin? Na ayaw mong magpakasal sa akin? Na ayaw mo sa plano ko?..." at saka siya nilingon.


"... Akala ko na-explain ko na sa 'yo ang tungkol dito? Akala ko naintindihan mo na kung bakit ko minamadali 'to."


"Jordan, alam ko kung bakit mo gustong madaliin ang tungkol dito, at hindi totoo na ayaw kong magpakasal sa 'yo.  Ang sa akin lang naman, gusto ko lang isecure yung buhay ng bawat isa bago ko unahin yung kaligayahan ko... Hindi naman ako mawawala, eh." at sinubukan niyang abutin ang kamay ng binata ngunit umiwas ito at nangunot ang noo.


"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi mo obligasyon ang ibang tao? Na hindi mo sila kargo?... Shin, naghiwalay tayo ng limang taon! Iniwan mo ako sa mga panahong yon at ngayon, ano'ng gusto mong gawin ko? Ang palipasin ang bawat araw na hindi ka natatali sa akin?... Kahit ano'ng gawin mo, nasa peligro na ang buhay nating lahat. Hindi na natin mababago yun. Pero pwede naman nating harapin yun nang magkasama, di ba? Nang hindi natin isasakripisyo sa pangalawang pagkakataon yung kung ano'ng meron tayo? Pwede naman yun,  di ba?" paliwanag nito.


Alam naman niya ang lahat ng ito, ngunit para sa dalaga ay hindi pa talaga ito ang tamang panahon para sa pagpapakasal nilang dalawa. Alam niyang hindi sila matatahimik hangga't hindi nila natutuldukan ang pamilya ng mga Jiro.


Marahang humakbang palapit sa kanya ang binata at mahigpit siyang hinapit sa bewang. "Mahal mo ako, di ba? Hindi mo naman ako bibiguin sa kaisa-isang pabor na hinihingi ko sa 'yo, tama ba ako?" Nahawakan nito ang kanyang baba upang iangat nang bahagya ang kanyang mukha.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon