Chapter 15

4.6K 165 30
                                    

15.

Napamulat siya ng mga mata nang marinig ang pagpihit ng kanyang doorknob. Hindi niya piniling bumangon para tingnan kung sino ang papasok at sa halip ay nanatili siya sa kanyang kama, habang balot ng kumot.

Malalaking yabag ang papalapit sa kanya at mukhang nahuhulaan na niya kung sino ito.

Lumubog ang kanyang kama, at alam niyang pinagmamasdan siya ni Kei, pinapakiramdaman kung tulog ba siya o gising. Hindi niya alam kung ano'ng oras na pero, madilim na sa labas kanina.

"Shin..." at marahan siyang iniuyog sa balikat para gisingin.

Ngunit hindi gumalaw si Shin. Isa pa, ayaw rin naman niya itong makausap dahil sa ginawa nito sa kanya.

"... Alam kong galit ka na naman sakin. And I'm sorry. Gusto kong ayusin yung problema natin. Gusto kong itama yung pagkakamali ko."

Nang umangat ang kama ay akala niya, iiwan na siya nito. Pero muli itong lumubog, hudyat na umayos lang ito ng pwesto. Narinig niya rin ang  tila plastic na nilapag nito sa dulo ng kanyang kama.

"Gusto ko lang mag-apologize. I'm really sorry sa ginawa ko. Nadala lang ako ng galit at inis dahil parang wala ka talagang pakialam sa kasal natin. Alam mo ba kung gaano ako ka-excited na maging asawa ka? Na maging Jiro ang apelyido mo?... Alam ko kung gaano mo kinakamuhian ang angkan ko, pero... Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nung malamang ikaw ang babaeng pakakasalan ko. Alam ni Papa ang kung ano at sino ang makakapagpasaya sa akin. At ikaw yun. Ikaw lang, Shin."

Pero hindi ikaw ang lalaking magbibigay sa akin ng saya, Kei. Hindi ikaw yun. Dahil iisang tao lang ang hinahangad ng puso ko, at patuloy na inaasam, kahit na hindi dapat. 

Napabuntong-hininga ang binata.

"Nasasaktan ako sa tuwing binabalewala mo ako. At sana malaman mong sa tuwing nagagalit ako, nasasaktan ako sa ginagawa mo. Pero matagal ko nang pinangako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako. At alam mo naman yun. Kaya sana, kung nagagawa ko 'to sa 'yo, intindihin mo ako. Intindihin mong, gusto lang ng puso ko na mahalin mo."

Gusto niyang pagtawanan ang katwiran nito. Dahil para sa kanya, kahit kelan ay hindi naging tama ang ipilit mo ang sarili mo sa taong ayaw naman sa 'yo. Ang ipilit mo ang pagmamahal mo sa taong, kahit kelan ay hindi matutugunan ang nararamdaman mo.

 "I love you." masuyo nitong sabi at inabot ang kanyang noo para dampian ito ng halik saka tuluyang tumayo.

Mabuti na lamang at hindi naabutan ng binata ang kanyang pagpitlag dahil sa pagkagulat sa ginawa nito sa kanya. Nangilabot ang kanyang buong katawan nang magpahayag ng damdamin si Kei, pero laking pasalamat na rin niya nang hindi na nito pinilit pang gisingin siya.

Narinig niyang muli ang pagbukas ng pintuan hudyat na nakalabas na ang binata, ngunit hindi na nito inilock ang kanyang kwarto. Hindi niya alam kung ikakatuwa niya ba ito o hindi pero, wala naman itong sinabi na maaari na siyang bumalik sa trabaho.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon