Chapter 26

4.3K 152 9
                                    

26.

Makailang beses napakurap ng mga mata si Jordan habang patuloy na tinititigan ang text message na nareceive niya.

Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso lalo na't hindi maalis ang tingin niya sa huling text na dumating at nagsasabing ikakasal na si Shin.

Hindi pwede. Hindi siya pwedeng ikasal. Sa akin lang siya magpapakasal. Babawiin ko pa siya, eh! Babawiin ko pa! 

Halos magwala ang buong pagkatao niya nang maisip si Shin sa piling ng walang hiyang anak ng Jiro na yon.

"Jordan, tara na. Nandyan na yung taxi." sabay tapik ni Paul sa kanyang balikat at doon lang siya parang nagising.

"Paul..."

Napakunot noo ito habang tinititigan siya. "Ano? May problema ba? Sino ba yang kausap mo sa cellphone?" tanong nito.

Pinilit niyang ikalma ang sarili at humugot ng malalim na hininga. "... Mamaya na lang pagdating natin sa bahay niyo." sagot niya at tuluyan na nilang nilisan ang bahay ng kanyang pamilya at agad na sumakay sa taxi na pinara ng kanyang ama upang tumungo sa lugar nila Paul.

Pagdating nila sa bahay nila Paul ay naabutan na nila si Jenny at ang mga magulang nito na kaharap si Lenny habang umiinom ng juice.

"Sa wakas, nandito na rin kayo." sabi ng ina ni Paul na mukhang nakahinga ng maluwag pagkakita sa kanila.

Napaurong ang mag-asawang Hernandez upang paupuin ang kanyang pamilya. Naupo si Gio at Lorie samantalang piniling tumayo ng kanyang ama at sumandal sa ngayo'y nakasarado ng pintuan ng kanilang sala.

"Ano ba talagang nangyayari at bakit parang biglaan ang lahat? Ano'ng sinasabi ni Jenny na delikadong magtagal kami dito?" tanong ng Papa ni Jenny at nagpapalit-palit ito ng tingin sa kanilang dalawa ni Paul.

"Oo nga. Ano bang meron? Bakit kailangan naming lumipat? Ano bang nangyayari, Jordan?" nag-aalalang dagdag ng kanyang ina.

"Alam kong biglaan ang lahat. Kahit kami ay hindi namin inaasahan ang lahat. Pero nangyari na, at wala kaming magawa ng anak ko kundi gawin ito. Para na rin sa kaligtasan ng lahat ng taong konektado sa buhay naming mag-ina, at ng pamangkin ko na si Shin." paunang salita ni Lenny.

"Hindi namin maintindihan." kunot-noong reklamo ng nanay ni Jenny.

Nagtinginan ang magkasintahang Jenny at Paul saka napabuntong-hininga ang kaibigan.

Naiintindihan niya kung magiging magulo ang lahat para sa mga magulang nila na nandito, at kagaya ng kanyang reaksyon noong una, ay siguradong  mabibigla rin sila kapag narinig na ng mga ito ang kwento ng mga Takano. Pero wala na siyang balak na umatras, lalo pa ngayong, ikakasal pala si Shin. Ikakasal ito sa ibang lalaki at hindi sa kanya. Kaya naman kailangan nilang magmadali. Kailangan nilang mabawi ang dalaga sa lalong madaling panahon.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon