Chapter 13

4.4K 156 7
                                    

13.

Matamang natingnan si Jordan nang gwardya na nagbukas ng pintuan para sa kanya. Ganundin ang cashier nung nag-order siya ng isang hiwang chocolate cake, at isang latte. Sapat na 'yon para sa lunch niya, dahil ang totoo ay hindi naman talaga siya nagugutom. Hindi niya nga alam kung magagawa niyang galawin ang pagkaing inorder niya.

Hindi na niya sigurado kung may kontrol pa ba siya sa kanyang katawan. Dahil kahit ano'ng pigil niya sa sarili na ipagwalang bahala na lang ang lahat ay tila nagwawala ang buong sistema niya at tila may sariling buhay ang kanyang mga paa na bumalik dito, kung saan niya muling nasilayan ang dalaga. Walang kasiguraduhan kung babalik nga ang dalaga dito sa Starbucks. Alam ni Jordan na malaki ang posibilidad na hindi na, dahil marami siyang binigay na dahilan dito para tuluyan siyang iwasan. Isa pa, may mga bodyguards ito na nagbabantay sa kanya kaya, hindi ganon kadali na muling makita ang babaeng 'yon. Pero ano bang mawawala sa kanya kung magbabasakali siya at maghihintay? Tutal naman ay hindi siya matatahimik hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot sa mga katanungan niya, lalo na ang tungkol sa pagkatao ng kamukhang-kamukha ni Shin.

Napabuntong-hininga siya at wala sa loob na napatingin sa labas. Hindi pa rin maalis sa kanya ang pakiramdam kanina, kung paano'ng parang nabuhay ang lahat ng dugo niya nung mga sandaling hawak niya ang braso nito para pigilang umalis. Yung pakiramdam na kahit hindi man nito aminin sa kanya ng harapan eh, nasisigurado niyang siya nga si Shin. Siya nga ang babaeng kinamuhian niya ng limang taon at dahilan ng lahat ng  sakit na nararamdaman niya hanggang ngayon. Ang babaeng naging dahilan kung bakit hindi na niya magawang magmahal ulit, o tumingin man lang sa iba.

Simula nang nakilala niya ang dalaga, at dumating ito sa buhay niya ay halos bumaliktad ang mundo ni Jordan. Wala na ang Jordan na palaaway at barumbado, mahilig maghamon at hindi madaling magpatawad. Ang masamang Jordan na nakasanayan niya ay tuluyan ng naglaho at nagbago na dahil kay Shin. Dahil sa liwanag na binigay nito sa madilim niyang buhay.

At nung umalis ito ng walang paalam, nung nagawa nitong tanggihan ang singsing na inalay niya, nung pinili nitong saktan siya sa paraang hindi niya inakala ay muling dumilim ang lahat. Nawala ang liwanag na 'yon, at muli siyang nasadlak sa kawalan, hanggang ngayon.

Humigop siya nang latte at napatungo. Gusto niyang magalit sa sarili dahil alam niyang nagmumukha siyang tanga dito ngayon. Pero wala na siyang lakas para pigilan ang gustong mangyari ng puso niya. At kahit siguro walang babaeng kulay pula ang buhok at kulot ang magpakita sa kanya ngayon, aasa at aasa pa rin siyang magkikita sila ulit.

Kailangan kitang makita. Kailangan kong malaman ang sagot.

Pero paano? Paano nga ba niya makikita ang dalaga sa lalong madaling panahon? Ano'ng dapat niyang gawin?

Naalala niyang muli ang unang pagkakataon na nakita niya ito. May kasama itong lalaki bukod sa  mga bodyguards nito. At naalala niya ang sinabi ni Carlo na boyfriend ito ng babae.

Wala sa loob na napakuyom ng kamao si Jordan sa isiping 'yon. Kung totoo man ang lahat ng hinala niya, nagawa nitong magkaroon ng boyfriend samantalang heto siya at hindi pa rin maka-move on kahit na ilang beses na niyang kinumbinsi ang sarili na nakalimutan na niya ito. At napaka-unfair nun  kay Jordan. Siya na ang nasaktan, pero siya pa rin ang naiiwan sa nakaraan.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon