Chapter 19

5.6K 153 8
                                    

19.

Noong una ay hindi niya ramdam ang ginawang pananaksak ni Abby sa kanyang sikmura. Pero habang tumatagal ay lumalala ang kirot na dulot ng sugat na natamo niya.

Gustuhin man niyang sapuhin ang sugat na iyon ay kailangan niya munang pigilan ang dalaga sa tangka nitong pagsaksak ulit sa kanya. Hindi niya alam kung ilang ulit na nitong ginawa iyon pero, mukhang gagawin ni Abby ang lahat para malagay lang sa panganib ang buhay niya.

"A-Abby... T-Tama na..." at buong lakas niyang sinagga ng kanyang isang kamay ang braso nito na may hawak na isang matulis na chinese hairpin na ngayon ay nababalutan na ng dugo.

Pero ngumisi lang ang dalaga. Ngumisi na parang nagwagi na ito sa laban nilang tumagal ng 5 taon. "Huh! Sa tingin mo ba, makakalabas ka pa dito sa CR ng buhay?! Pwes, managinip ka, Shin! Managinip ka dahil hinding-hindi mangyayari yon!" at iwinasiwas nito ang kamay niyang pumipigil dito.

Napatiim bagang siya at mariing napapikit bago tuluyang pilipitin ang kamay ni Abby na pumipigil sa kanyang kabilang braso para makakilos.

"Ah! Aaahh!!" sigaw nito at lalo pa itong napalakas nang lalo niya pa itong pilipitin at malakas na itinulak sa pinto ng isa sa mga cubicle ng CR. 

Natingnan niya ang kanyang sugat sa may sikmura at ang pink niyang blouse na suot ay namamantsahan na ng maraming dugo ngayon.

"Gago ka, Shin! Magbabayad ka sa ginawa mo!" at agad na tumayo si Abby para sugurin siya.

Nagsisimula na siyang manghina dahil sa dugong patuloy na umaagos mula sa kanya pero nasalag niya ang braso ni Abby nang tangka na naman siya nitong saksakin.

"Sa pagkakaalam ko, wala naman akong utang na dapat bayaran sa 'yo! Kaya itigil mo na 'to!" sabi niya at muli itong itinulak ng malakas dahilan para muli itong bumagsak.

Agad niyang pinaibabawan ang dalaga at buong pwersang idinikit ang dalawang kamay nito sa tiles na sahig ng CR.

"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" malakas na sigaw nito.

"Kung gusto mong makuha si Kei, kunin mo. Hindi kita pipigilan, Abby. Dahil ang totoo, wala naman akong nararamdaman para sa kanya at kahit kelan, h-hindi ko siya magugustuhan. Kaya pakiusap, huwag kang magtanim ng galit sa akin dahil... Dahil wala akong balak na makipagkumpitensya sa pagmamahal mo sa kanya."

Pero matalim siya nitong tinitigan. "Huh! akala mo ba ang pang-aagaw mo kay Kei ang dapat mo lang pagbayaran?! Eh ano yung mga inagaw mo sa akin noon?! Ano yung SOC at ano yung kay Jordan?! Papatayin kita, Shin! Hintayin mo ang araw na mapapatay kita!"

Napatiim-bagang siya at malakas niya itong sinuntok sa mukha kaya agad itong naduguan sa ilong.

"Tang'Na mo! Hayop ka, Shin! Ha---yop ka!" at sinubukan nitong pumiglas mula sa kanyang pagkakahawak pero ibinuhos niya ang natitira niya pang lakas para pigilan lang itong makawala at makatakas.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon