Chapter 32

4.3K 185 26
                                    

32.

i



"Young Master! Young Master, parang awa niyo na po! Pakawalan niyo po kami dito! Young Master!" patuloy ang pagmamakaawa sa kanya ng sampung tauhan na natira sa pakikipaglaban ng mga ito sa grupo ng mga dating myembro ng Hiragana.


Pero isang walang emosyon na Kei ang nakaharap sa kanila ngayon at tinititigan lang habang hinihintay ang pagsunog sa mga ito.


Sapilitang dinala ang mga natirang tauhan sa isang malaking lupain na exclusive property ng mga Jiro para dito gawin ang parusang ipinataw sa kanila ng binata.


"Ano ba kasing sinabi ko sa 'yo noon? 'Dapat noon pa kayo nagpakasal! Tingnan mo tuloy ang nangyari." paninisi ng matandang Jiro na nasa tabi lamang niya.


Nakikita niya kung paano'ng nagpupumiglas ang bawat isa sa mga ito mula sa mahigpit na pagkakatali sa kanilang mga kamay at paa pero wala sa mga ito ang isip ni Kei. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya makalimutan kung paano'ng sumakay si Shin palayo sa kanya kasama ang lalaking iyon.


Muli siyang napakuyom ng kamao at nagtagis ng bagang dahil sa nararamdamang galit at panibugho. Hindi niya inaasahan na mangyayari ang ganito, na pagtataksilan siya ng dalaga pagkatapos ng lahat ng mga ginawa niya para mapagbigyan lang ito. Hindi niya naisip na mangyayari nga ang pagtakas na pinaghinalaan ng kanyang ama noon pa.


Bakit? Bakit mo ito ginawa, Shin? Ano pa bang kulang? Dapat ba, tinuloy ko na lang ang plano ko sa 'yo noong nakaraan? Dapat bang hindi na ako nakinig sa 'yo? Dapat bang hindi kita pinaniwalaan simula pa lang noong una? 


Ito ba ang dapat niyang mapala matapos niyang mahalin at pagbigyan ang babaeng ginusto niya habang buhay? Ganito ba talaga ang nakukuha ng isang taong nagmamahal ng totoo? Katrayduran at kasinungalingan?


Naniniwala akong mabuti kang tao, Kei. Na hindi ka katulad ng ama mo. Na iba ka sa pamilya mo. 


Mapait na ngumiti ang binata dahil sa mga sandaling ito ay halos malunod siya sa sobrang sakit dahil sa ginawa ni Shin, dahil sa pag-iwan nito sa kanya.


"Ano pa bang hinihintay mo? Sindihan mo na!" utos ng kanyang ama sa isa nitong tauhan.


Hindi naman nag-atubiling sumunod ang lalaking may hawak ng kahoy na nag-aapoy at dali-dali nitong sinilaban ang mga tauhang naliligo ng gas na nagmamakaawa para sa kanilang buhay.


Walang ibang narinig ang mag-ama kundi ang mga sigaw at pagmamakaawa ng sampung tao na nasusunog ng buhay ngunit balewala lang sa kanila ang mga ito.


Napamulsa ang matandang Jiro at hinarap ang assistant nito. "Alam mo na ang susunod na gagawin. Hindi na namin kailangang magsayang ng oras dito..." saka siya nilingon. 


"... Ang sabi nila, may kasama daw ang pinsan ni Shin bukod sa grupo nila Alvin. Totoo ba?" tanong nito.


Natingnan niya ang ama. "Yun yung taong pinapahanap ko. Yung nagpunta sa ospital." maikling sagot niya.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon