Chapter 20

4.5K 150 13
                                    

20.

"Nasaan si Abby?" tanong ni Kei sa bodyguard ni Shin na humawak sa dalaga.

"Nasa basement na po, Sir. Kayo na lang po ang hinihintay." sagot nito.

Tumango siya at naluwagan ang neck tie na suot habang nagmamadaling sumakay ng elevator pababa ng secret basement ng building.

Naihatid na sa ospital si Shin at kailangan niya lang harapin si Abby bago niya puntahan ang dalaga para bisitahin at kamustahin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa nga ni Abby na saksakin si Shin dahil lang sa matinding galit nito, at pagseselos. Napatiim-bagang ang binata sa isiping nasaktan nito ang babaeng mahal niya. At hindi siya makakapayag na makakawala na lang ito nang hindi man lang siya nakakaganti para kay Shin.

Mula sa labas ng basement ay rinig na rinig na niya ang pagwawala ni Abby para lang pakawalan siya ng mga nagbabantay dito.

Marahas niyang sinipa ang pinto ng basement para bumukas at agad niyang nasipat ang dalaga na nakatayo at bahagyang nagulat dahil sa ginawa niya.

"K-Kei..." At unti-unti itong napangiti saka siya tinakbo para yakapin. Pero agad niya itong naitulak dahilan para matumba ito.

"Kei?! Ano'ng problema mo?!" nagtatakang bulalas ng dalaga habang titig na titig sakanya. Nagsisimula nang mangitim ang bahagi ng kaliwang mata ni Abby at halata rin dito ang sugat sa sulok ng kanyang labi habang magulo ang buhok at hindi na nagawang ayusin pa.

"Tinatanong mo kung ano'ng problema ko?! Tinatanong mo pa talaga?!" at saka niya sinakal ang dalaga para itayo.

"K-Kei... K-Kei! A-Ano ba?!" nahihirapang sabi ni Abby habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa pagkakasakal ng leeg nito.

Tiim-bagang niya itong tinitigan. "Kahit kelan, wala kang karapatang saktan si Shin! Wala, Abby! Wala!" at malakas niya itong sinampal bago binitawan.

"Aahh!" malakas na bumagsak ang dalaga sa sementadong sahig. Agad niyang narinig ang malakas nitong paghikbi.

"B-bakit? B-Bakit hindi mo maintindihan?... Hindi ka naman niya mahal!" at matalim siyang tinitigan matapos siyang lingunin.

At doon parang sinaksak ang puso niya sa mga huling salita na binitawan ni Abby. Natigilan si Kei ngunit unti-unti niyang nakuyom ang mga kamao dahil hindi niya pa rin kayang tanggapin na wala talagang nararamdaman si Shin para sa kanya kahit ginagawa naman niya ang lahat.

Marahan siyang lumapit sa dalaga at itinukod ang isang tuhod para lang maabot ang mukha nito. Muli niya itong natingnan sa mga mata bago niya abutin ang buhok nito at mahigpit na hinawakan para maiangat nito ang kanyang mukha nang bahagya.

Patuloy ang pag-iyak ng dalaga ngunit matalim rin ang mga titig na ipinupukol nito sa kanya. 

"Wala kang alam, Abby... W-Wala kang alam kaya wala kang karapatang sabihin yan sa akin. Kahit kelan, hindi ikaw ang babaeng pakakasalan ko, tandaan mo yan."

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon