Chapter 1

9.5K 209 14
                                    

1.

Nasuklay niya ng brush ang kanyang kulot na buhok na kulay auburn habang nakaharap siya sa salamin. Wala sa loob na natitigan ni Shin ang sarili habang inaayos niya rin ang kanyang bangs na sapat lang ang haba para takpan ang kanyang noo.

Ibang-iba na ang hitsura niya ngayon. Malayong-malayo sa simple at tuwid at mahabang buhok na meron siya noong nag-aaral pa lamang siya ng college. Noong hindi pa siya gumawa ng paraan para magulo ang kanyang buhay.

Hindi na rin nawawala ang eyeliner na inilalagay niya na lalong nagdedepina sa kanyang singkit na mga mata.

Medyo lumaki ng kaunti ang kanyang mga mata sa paglalagay niya ng eyeliner ngunit bumagay rin naman ito sa magandang mukha niya.

Ayaw man niya ng pagbabago ay kailangan niya ring gawin ito, para sa ikatatahimik ng lahat.

Hindi naman talaga siya pumayag sa lakad nila ni Kei ngayong araw na ito. Sanay na siyang nakakulong dito sa bahay ng mga Jiro pagkatapos siyang bantayan at sunduin ng 3 yakuza bodyguards galing sa university na pinasukan niya nitong nakaraang 3 taon para tapusin ang college. Hindi kasi siya pinapayagang lumabas, lalong-lalo na kung wala siyang permiso galing kay Kei, o kaya sa ama nito.

Matagal na siyang bilanggo ng mag-ama, simula noong natagpuan siya ng mga ito ng makalaban niya ang mga Hiragana na hawak pala ng mga Jiro, ang mortal na kaaway ng kanyang pamilya. Ang mga taong iniiwasan nila ng husto, na dapat ay ginawa rin niya ngunit nagmatigas siya. Hindi niya pinakinggan ang payo nila Paul at nagdesisyon pa rin siya ng mag-isa.

Pero ayaw na niyang pagsisihan ang kapangahasang ginawa niya. Gusto niya rin naman talagang matapos na ang gulong ito sa pagitan nila ng mga Jiro, at sa tingin niya ay ito ang tanging paraan para tuldukan na ang alitan nila.

Nalingon niya ang pintuan ng kanyang kwarto ng makarinig ng mga katok.

"Ms. Shin, pinapatawag na po kayo ni Young Master." tawag ng katulong mula sa labas.

Humugot siya ng malalim na hininga at muling tinitigan ang sarili. Hindi niya rin maintindihan kung bakit biglang naisipan ni Kei na lumabas ng mansyon nila at isama pa siya.

Hindi kasi ito pangkaraniwang ginagawa ng binata at kadalasang ang mag-ama ang magkasama.

"Lalabas na po." medyo malakas na sabi niya para marinig ng nagtatawag na katulong sa labas.

At ng mapagmasdan ang sarili ay hindi niya maiwasang titigan ang itim na sinulid na ginawa niyang kwintas. Inilabas niya ang singsing na pendant nito upang mas lalo niya pang makita.

5 taon na ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang alaala ang eksaktong nangyari ng ibigay ito sa kanya ng isa sa mga importanteng taong dumating sa buhay niya.

At siguro nga ay dumaan lang ito sa buhay niya para iparamdam kung paano ulit maging masaya, at makuntento habang nabubuhay siya, kahit sa maikling panahon lamang.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon