Chapter 10

4.6K 145 7
                                    

10.

Wala silang idea kung saan sila papunta pero nagpatianod na lamang sila sa kung saan sila dadalhin ng kanilang mga paa.

Walang gustong bumitaw mula sa isa't-isa. Mahigpit ang pagkakayakap ni Giselle sa kanyang likod habang ang isang kamay naman niya ay nakayapos sa bewang ng dalaga, at ang isa pa ay nasa ulo nito bilang suporta. Magkahinang pa rin ang kanilang mga labi, at ang mga katawan nila ay magkadikit.

Patuloy ang paghakbang nila hanggang sa bumagsak sila sa isang malambot na bagay.

Alam ni Jordan na nasa kwarto niya sila, at nasa ibabaw sila ng kanyang kama.

Pumatong siya sa ibabaw ni Giselle nang hindi pa rin pinuputol ang halik, hanggang sa makarating na ang kanyang labi sa leeg nito.

Inabala naman ni Giselle ang sarili sa pagtanggal ng butones ng kanyang long sleeves polo habang dinadama ang bawat sensasyon na ibinibigay ng binata.

Tuluyang nahubad ni Giselle ang polo ni Jordan, habang ang kanyang mga kamay naman ay naglalakbay sa bewang nito, pababa sa kanyang mga hita.

"J-Jordan..." tila hirap na usal nito at patuloy na humahaplos ang isang palad nito sa malapad niyang likod.

Pero tila ibang tinig ang naririnig niya ng mga oras na iyon. Ibang boses ang paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan.

Mariin siyang napapikit, at pilit na dinidedma ang boses na yon na tila pumipigil sa kanya, sa kung ano'ng gusto niyang gawin.

Ipinagpatuloy niya ang paghalik sa leeg ni Giselle at ibinaba niya pa ang kanyang mga labi hanggang sa makarating na ito sa ibabaw ng dibdib ng dalaga. Iniarko naman nito ang likod upang mas mabigyan siya ng pagkakataon na gawin ang gusto niyang gawin dito.

Jordan, huwag. 

At sa isang iglap ay itinigil niya ang lahat, at napatingin sa mukha ni Giselle. At kagaya nang nangyari nung una, ay hindi ito ang mukhang nakikita niya... Kundi ang mukha ni Shin na nagmamakaawang huwag niyang ituloy ang binabalak, at sa ilang sandali pa, ay  nakikinita na niya ang luhaang mukha nito.

"S-Shin..." wala sa loob na usal niya.

At sa sandaling nagawa niyang banggitin ang pangalan ng dating minamahal, pagkatapos ng limang taon, pagkatapos ng lahat ng sakit na naranasan niya, ay parang binuhusan siya ng napakalamig na tubig, sapat na para manginig ang kanyang buong katawan.

"J-Jordan... Sino si Shin?" tinig iyon ni Giselle at parang bumalik siya sa kanyang ulirat.

Natitigan ni Jordan ang kaharap na dalaga at bumakas dito ang malaking pagtataka, at bahagyang pagkagulat. Nakakunot-noo ito at mataman siyang tinititigan.

"Sino si Shin?" ulit na tanong nito.

Ilang beses siyang napalunok, hanggang sa pabagsak siyang humiga sa kabilang dako ng kanyang kama.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon