Chapter 37

3.8K 145 6
                                    

37.



Mabuti na lang at nagpapigil pa rin si Jordan sa kanya kahit papaano. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya handa para dito, lalo na't sariwa pa rin sa kanyang alaala ang pangangahas ni Kei kahit pa sabihing, hindi ito natuloy.


Kaya bago pa matuloy ang hindi dapat matuloy ay napagpasyahan na nilang pumasok sa loob. Tinulungan na lamang niya ang dalawang ginang na noo'y patapos na sa pagluluto ng kanilang hapunan.


Si Jordan naman ay nagtuloy sa kwarto nila Paul upang magpalit ng damit at pants na basa dahil sa pawis.


Alas syete nang maghapunan silang lahat. Ang mga magulang ni Jenny ay hindi sumalo sa kanila sa hapag at sa halip ay sa sala kumain dala ang kanilang mga plato. Hindi niya maiwasang tingnan ang kaibigan at si Paul na hindi na rin lang pinansin ang inasta ng mga matatanda. Pinilit ni Shin na iwaksi na muna sa isip ang sinabi ng mga ito sa kanya kanina at itinuon na lamang ang pansin sa pagkain.


Kanyang-kanyang linis ng katawan ang bawat isa nang dumating na ang oras ng pagtulog. Hindi niya pa nakakausap ng matino si Paul tungkol sa mga Yamato na nabanggit ng kanyang Auntie Lenny na nagprovide ng safe house nila ngunit masasabi niyang maaari na nila itong tirhan kung gusto nila ditong manatili ng mahabang panahon.


Ngunit hindi naman ganon kadali ang lahat lalo na't nakaabang pa rin ang panganib. Hindi niya pa alam kung tama ngang manatili na lang sila doon kung gugustuhin ng karamihan, o dapat na lumipat sila ng ibang lugar hangga't maaga pa.


Halos patulog na ang lahat at lumabas siya ng kwarto nila ni Jenny para tumungo ng kusina at uminom ng tubig. Doon niya naabutan si Lorie na lumalagok na ng tubig sa mababasaging baso na hawak nito.


Nangitian niya ang ginang na itinigil ang pag-inom nang makita siya. "Akala ko po, tulog na kayo." sabi niya pagkatapos kumuha ng baso.


"Nauhaw kasi ako, eh. Pero nakahiga na kami." sagot nito.


Napatango siya at napagmasdan ang ina ng lalaking mahal niya. Tumanda man ito sa paningin niya ngunit maganda pa rin naman ito. Walang pinagbago kahit na, limang taon silang hindi nagkita.


"Mas lalo kang gumanda, anak. Hindi ako magtataka kung bakit hindi ka kinalimutan ng anak ko kahit matagal kayong hindi nagkita." puri nito sabay ngiti.


"Tita, hindi po... Kayo po ang maganda pa rin." sabi niya.


"Itatanggi mo pa ba? Eh dati ka nang maganda, no! Pati nga si Gio, aliw na aliw sa 'yo... Mabuti at nabawi ka nila kahit, sobrang delikado pa nang ginawa nila. Nagpapasalamat ako sa Dyos dahil, nakabalik pa rin kayo dito, at nakikita ko pa ang anak ko..."


"Tita, hindi po ba kayo galit sa akin?... Alam ko pong hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa akin. Kung sana ay hindi na lang ako bumalik sa buhay niyo, hindi niyo sana mae-experience ang lahat ng ito. At alam ko po na mahirap sa inyo ang lahat."


Nawala ang ngiti sa mga labi ng Ginang, at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Ayoko namang magsinungaling, Shin. Ayokong sabihin na minsan naisip ko, sana ibang babae na lang ang ginusto ni Jordan. Na sana, hindi na lang ganito ang sitwasyon. Matagal kong inalagaan ang anak ko, hija. Nangako ako na hindi ko siya hahayaang mapahamak sa kahit na ano'ng paraan. Hangga't maaari, ayokong mainvolve siya sa kahit na ano'ng gulo. Kaya nga ginagawa ko ang lahat simula noong nag-aral siya at nasangkot sa kaliwa't kanan na away at suntukan..."

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon