Chapter 8

4K 164 16
                                    

8.

Nagulat man siya na makita ang dating karibal ay hindi naman iyon naging hadlang kay Shin para hindi ngitian ang dalaga. Kung hindi siya nagkakamali ay dito ito nagtatrabaho. At katulad ng dati, ay  maganda pa rin ang dating ka-eskwela. Mas gumanda pa nga ito ngayon sa paningin niya.

Pero ang ngiting iyon na binigay niya ay hindi nasuklian. Sinulyapan lang siya nito at muling itinuon ang atensyon sa binata. At hindi niya alam kung namumukhaan pa ba siya nito, o kaya naman ay kung kilala pa siya.

Siguro ay hindi na, dahil na rin sa pagbabago ng ayos niya. Dahil nagbago na ang kulay ng kanyang buhok, at nawala na rin ang pagiging simple ng kanyang mukha.

"Good morning, ladies. Alam kong medyo late na ang dating namin, but we still came. And I want you to meet Shin Acosta, my girlfriend... And your new HR Manager." nakangiting pakilala ni Kei sa kanya sa mga empleyado.

Agad niyang nalingon ang binata nang may pagkagulat sa kanyang mukha. Hindi inasahan ni Shin ang sinabing yon ni Kei. HR Manager? Hindi ang pagiging manager ang gusto niyang maging trabaho. Gusto niya lang maging normal na empleyado, at ayaw niya ng mataas na posisyon.

At kung nagulat si Shin sa announcement ni Kei, ay mas lalong ikinagulat ng mga taga-HR ang sinabi nito. Halos lahat ay napatingin sa gawi ni Abby na nabigla rin sa narinig.

"Sir, b-bagong HR Manager?" tanong ng isang matangkad at mestisang babae sa tabi ni Abby.

Tumango si Kei at nalingon siya.

"Kei..." may pagtutol sa kanyang boses pero hindi ito pinansin ng binata.

Muli nitong hinarap ang mga empleyadong gulat na gulat pa rin sa inihatid nitong balita. Panay ang sulyap nila kay Abby at mukhang problemado, base sa mga ekspresyon ng kanilang mga mukha.

"Eh si Ms. Abby po?" tanong pa ng isa.

"Abby will conduct the orientation for Shin, pero siguro mga basics lang, since fast learner naman siya. And she will be the new assistant manager." sagot nito.

Napalunok siya at wala siyang nakikitang ngumingiti man lang sa kanila. Ang lahat ay seryoso, at halos ayaw siyang tingnan.

"So Abby, please take care of her, ikaw nang bahala dahil alam kong hindi mo siya pababayaan. She's too excited about her first day here at work and I hope  she'll have fun. Give everything she needs..." bilin pa ni Kei na tinanguan lang ni Abby.

Nalingon naman siya ni Kei at muling napisil ang kanyang kamay. "... She's Abigail Lee, at siya ang magtuturo ng lahat sa 'yo. Don't worry, magaling siya at siguradong matututo ka agad sa kanya. Pero kung magkaroon ng problema, call me, okay? O kaya magsabi ka sa mga bodyguards. They will be with you all the time." sincere na sabi nito at nangitian siya.

Hindi niya alam na ganito pala siya aasikasuhin ni Kei pagdating nila dito. Mukhang naiintindihan na ng binata kung gaano ito kahalaga para sa kanya.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon