Chapter 11

4.4K 152 17
                                    

11.

Tamad na binuksan ni Jordan ang pintuan ng kanyang apartment nang marinig ang mahihinang katok. Hindi niya alam kung ano'ng oras na pero, ang alam lang niya ay hindi siya nakatulog simula pa kagabi, at hindi nakatulong ang alak na ininom niya para mabawasan ang mga gumugulo sa isip niya, o ang tigilan na siya ng mga ito.

Hindi nagbago ang kanyang tamad na ekspresyon nang makita sa harapan ang nakatayong si Giselle, na nakasuot ng pink collared polo shirt at itim na shorts. Malaki ang pagkakangiti nito sa kanya at sa tingin niya ay maganda ang naging tulog nito kagabi.

Bakit? Dahil ba sa nangyaring halikan sa pagitan nilang dalawa? Dahil ba sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niyang halikan ang dalaga nang siya ang nag-initiate at hindi ito?

Napatiim bagang siya sa isiping yon. "Good morning! Sana hindi pa ako late para magprepare ng breakfast mo." tuwang bati nito sa kanya.

"Alam mo ba kung ano'ng oras pa lang?" tanong niya.

"Yupp! It's only 6. Pero dahil may pasok ka ngayon, nagpunta ako ng maaga para ipaghanda ka ng almusal. Day off ko so, gusto kong dumito para sa araw na 'to." sagot ng dalaga.

Laglag ang mga balikat niya sa narinig niyang paliwanag mula rito. Alam niyang natakot sa kanya si Giselle kagabi at hindi ito bingi para hindi marinig ang sinabi niya para itaboy ito. Pero wala na talaga siyang maisip na dahilan kung bakit hanggang ngayon eh nandito pa rin ang dalaga sa harapan niya, masaya, at parang walang nangyari.

Tinalikuran niya si Giselle at hinayaang bukas ang pintuan. Diniretso niya ang kusina para magtimpla ng kape at kahit papaano ay umayos ang takbo ng isip niya.

Narinig niya ang mga yabag ni Giselle palapit sa kanya pero tinungo nito ang ref para tumingin ng mga pagkain. Kumuha ito ng 3 pirasong itlog at hinarap siya.

"Ano'ng gusto mo, scrambled o sunny side up?" tanong nito.

Pero walang nakuhang sagot si Giselle mula sa binata. Napabuntong-hininga ito at nagdesisyong i-scramble na lang ang mga itlog na kinuha mula sa ref.

"Pwede ka ng maligo para pagkalabas mo, handa na ang breakfast." 

Nailapag niya ang tasa ng kape sa mesa at hinigit ang braso nito. "Akala ko naintindihan mo na ang sinabi ko sa 'yo kagabi. Akala ko matalino ka, pero mukhang mali yata ang tingin ko sa 'yo." tiim bagang na tanong niya. Dahil ang presensya ng dalaga ay lalo lang nagpairita sa kanya. Lalo lang nagpabwisit sa kanya. Magulong-magulo ang isip niya ngayon, at kung hindi lang siya nagtitimpi, at hindi lang babae ang kaharap niya, ay kanina niya pa ito binigwasan para tuluyang matauhan.

"Naiintindihan ko, Jordan. At alam kong kaya mo lang ako nasigawan kagabi ay dahil nakainom ka. O kaya naman ay pagod ka. Pero hindi yun dahilan para isuko kita. Para tumigil na ako." at nakuha pa siya nitong ngitian.

"Tang'Na! Hindi ako lasing nung sinabi ko yun, Giselle. Matino pa ako at ginawa ko yun para makita mo kung paano ka ipagtabuyan ng lalaking matagal mo nang hinahabol pero nagpapakatanga ka pa rin! Ano bang tingin  mo sa akin? Tingin mo ba talaga, mabuti akong tao para pagtyagaang habulin at pagsilbihan? Wala kang alam, Giselle... Wala kang alam sa nakaraan ko! Kaya habang hindi pa nagdidilim ang paningin ko, umalis ka na ngayon. Dahil baka hindi kita matantya at sa kulungan ang kababagsakan ko." paliwanag niya at binitawan ang braso nito.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon