Chapter 39

3.5K 117 8
                                    

39.


Hindi na niya nagawang tanungin ang iba pang detalye ng pagtataksil ng mga Yamato sa pamilya nila dahil literal nang nabitawan ni Paul ang cellphone na hawak.

"Ano'ng nangyari? May problema ba?" tanong ni Lenny na agad bumakas ang pag-aalala.

Nagpapalit-palit ang tingin niya sa ina at kay Jenny na huminto na rin sa paghikbi.

"M-Ma... Bumaliktad ang mga Yamato. Papunta na dito ang mga tauhan nila Jiro." nanghihina pa ring sagot niya.

Halos mapaawang ang bibig ng kanyang ina nang marinig ang masamang balita. Si Jenny naman ay agad nabalot ng takot at pagkabalisa sa kinatatayuan nito.

"P-Paano yan?" tanong ng dalaga.

Nalingon niya ang girlfriend at agad itong nakabig. "Aalis tayo dito. Hindi nila tayo pwedeng maabutan dito kung hindi, mamamatay tayong lahat. Pero, ang inaalala ko ay sila Shin. Kanina pa sila nakaalis. Walang dalang cellphone si Jordan para makontak natin... Shit! Walang ibang paraan!" sagot niya.

"I-Ibig mong sabihin, iiwanan natin silang dalawa? Paano sila Paul? Baka kung mapano sila!"

Alam niyang nag-aalala ito sa dalawa, pero sa sitwasyong ganito ay wala siyang magagawa, wala silang magagawa kundi ang magkanya-kanya na muna.

Natingnan niya ang ina na humugot ng malalim na hininga. "Kababalik niya lang sa buhay natin, Paul..."

Napalunok ang binata sa tinuran ng ginang. "Alam ko po... Pero, alam nating lahat na gugustuhin niyang maligtas ang karamihan. Pakisabihan na po ang pamilya niya, Ma. Ikaw din, Jen... Kailangan na nating magmadali." dagdag niya pa at agad tumalikod si Lenny para puntahan ang pamilya ng binata. Sumunod naman ang kanyang nobya para pagsabihan ang mga magulang nito.

Gustong-gusto niyang puntahan sila Shin at Jordan para pagsabihan at isama sa pagtakas dahil ito lang ang nakikita niyang paraan. Pero paano niya magagawa 'yon kung may nililingon siyang ibang tao na mas karapat-dapat niyang samahan at iligtas?

Napatiim bagang si Paul nang maalala ang mga kahayupang ginawa ng Jiro para lang mapatunayang makapangyarihan ang mga ito. Naalala niya ang matagal na pagkakahiwalay nila ni Shin nang dahil sa mga ito.

Ang tagal ka naming hindi nakasama. Gusto kong sumugod ngayon pero paano?... I'm sorry. 

Ilang minuto na silang naglalakad palabas ng kagubatan pero wala pa ring kibo si Jordan hanggang ngayon. Nauuna pa nga itong maglakad sa kanya kung kaya't minamadali niya ang paglalakad para lang makahabol dito.

Galit ka nga talaga. 

"Jordan, saglit lang... Jordan!" tawag niya dito at saka hinablot ang kaliwa nitong braso.

Tumigil ang binata ngunit hindi ito lumingon para tingnan siya. "Huwag ka nang magalit, please. Kausapin mo na ako."

Ngunit nanatili itong hindi nagsasalita.

"Ano bang gusto mong gawin ko? Ginagawa ko lang naman 'to dahil ayokong mahirapan ang mga taong nasa paligid ko. Lalo na ikaw. Kaya ano bang dapat kong gawin para lang maintindihan mo?"

Seryoso siyang natitigan ni Jordan at saka nagbawi. "Alam mo naman ang gusto ko, hindi ba? Pero ayaw mong gawin, ayaw mong mangyari. Kaya ano pang sense ng pagtatanong mo na yan?... Kalimutan mo na lang lahat ng sinabi ko." masungit nitong tugon at muling nagsimula sa paglalakad.

"Jordan... Ayokong kalimutan ang mga sinabi mo dahil importante ang lahat ng iyon sa akin, dahil magaganda ang lahat ng 'yon at dahil dun, nalaman ko kung gaano mo ako kamahal. Kung gaano mo ako kagustong makasama."

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon