Chapter 36

4.2K 156 14
                                    

36.




Tuluyang nagising si Shin sa iilang katok sa pintuan ng kwartong pinagtulugan niya. Agad siyang bumangon para buksan ang pinto at bumungad sa kanya si Jenny na may dalang ilang piraso ng nakatuping mga damit.


"Sorry, naistorbo ba kita?" alanganing napangiti si Jenny nang mapansin ang kanyang bagong gising na aura.


Agad siyang umiling dito. "Hindi, no! Actually, mabuti nga at nagising na ako dahil mukhang napahaba ang oras ng tulog ko." sabi niya.


Niluwagan ni Shin ang pagbukas ng pintuan upang makapasok ang kaibigan. Naupo sila sa ibabaw ng papag.


"Ito na yung mga damit na gagamitin mo. Sana okay lang sa 'yo ang mga 'to. Ito rin pala ang magiging kwarto mo. Kaso, share tayo. Dito rin kasi ako natutulog, eh. Medyo, kaunti lang kasi ang kwarto ng bahay na 'to."


"Hindi ba nakakahiya? Mababawasan pa ang mga damit mo? Mukhang medyo madami kasi 'tong dala mo, eh. Okay lang kung ilang piraso, lalabhan ko na lang agad."


"Ano bang nakakahiya dun? Para ka namang ibang tao. Yung buhok mo lang naman ang nagbago. But the rest?... Alam kong ikaw pa rin ang Shin na mabait at maganda." saka siya nito ulit nginitian.


Bahagya siyang natawa sa sinabi ng dalaga. Sobrang sarap lang sa pakiramdam na muli niyang nakausap si Jenny na parang katulad ng dati, noong normal pa ang lahat, noong wala pang alam ang mga ito tungkol sa kanilang pamilya.


"Kamusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?... Mukhang seryoso yang mga sugat mo, ah!" tanong nito nang mapansin ang kaliwa't kanan na benda niya sa kanyang mga braso. Tshirt kasi ang sinuot niyang pang-itaas na damit pa ni Jordan nang dalhan siya nito ng pangbihis bago siya matulog kung kaya't kita ang mga ito ngayon.


"Huwag kang mag-alala, nalinis na rin naman ni Jordan 'to. Ilang araw lang eh, magaling na 'to kaya, hindi 'to magiging problema." sagot niya.


"Mukhang seryoso ang naging laban niyo, Shin. Pero salamat talaga sa Dyos at nakuha ka nila. Effective ang plano nila Paul."


"Hindi ko inaasahan ang lahat, Jenny. Wala akong idea na gagawin nila ang bagay na yon. Katulong nila si... Katulong nila si Alvin pero, p-pero wala na siya." at napalunok siya nang banggitin ang pangalan ng binatang nagsakripisyo para sa kaligtasan niya.


Kita sa ekspresyon ng dalaga ang pagkagulat nito. "Si Alvin? You mean, nagkita kayo ni Alvin dun?... At ngayon, p-patay na siya?"


Tumango si Shin at kinuwento kung paano'ng napasama si Alvin sa engkwentrong yon at ang koneksyon niya sa mga Jiro.


Ilang beses napalunok si Jenny nang marinig ang buong kwento. "Hindi ko maimagine na ganon sila kalupit. Na kaya nilang gawin ang mga bagay na 'yon."


"Kaya nga hangga't maaari ay gusto ko kayong malayo sa mga taong yon. At alam kong 'yon din ang gusto ni Paul, para sa 'yo at sa mga parents mo."

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon