Chapter 18

5.1K 156 16
                                    

18.

Pakiramdam niya ay tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan nang masaksihan ang pagpapahirap na iyon kay Alvin. Malakas ang naging sigaw ng binata habang nagmamakaawang itigil na ang pagpapahirap pero hindi iyon nangyari.

"T-Tama na... T-Tama na..." at natingnan niya ang matandang Jiro at halos manginig na ang kanyang boses dahil sa kilabot at awa sa itinuring niyang kaibigan.

Nalingon siya ng matanda pero ngumisi lang ito at walang ibinigay na kahit ano'ng utos para itigil ang ginagawa kay Alvin. Nagpatuloy lang ito sa panonood habang nagmamakaawa ang binata para sa buhay nito, para iligtas siya.

Nahawakan ni Shin ang braso ni Kei na nakahalukipkip habang matamang  nakatingin sa mga pinaparusahan.

"... Kei... Pigilan mo naman ang Papa mo! Sobra naman na yata yan! Masyado na silang nahihirapan!" pakiusap niya dito.

Nalingon siya ni Kei at natitigan. Saka itinuon ang pansin sa ama na siyang-siya sa mga pinapagawa nito.

"Pa... Tama na yan.  Napahirapan niyo na. Siguro naman, magtatanda na ang mga 'yan." saway ni Kei.

"At talagang madali kang sumusunod sa gf mo, ha." puna ni Jiro at natitigan ang anak na hindi naman nag-iwas ng tingin.

"Parang awa mo na po. Itigil niyo na po 'yan... Masyado na po silang nahihirapan. Pakiusap... Pakiusap po."

Pero parang walang narinig ang lahat. Walang narinig ang matanda at ni hindi siya pinansin.

Nagtagis ang kanyang mga bagang at napakuyom ang mga kamao. "Tama na sabi, eh! Tama na! Gusto niyo ba talaga silang patayin?!" masyado nang mabigat sa loob ang mga nakikita ni Shin at hindi na niya kaya pang manatili sa kanyang kinatatayuan.

Naibaba ng yakuza ang nagbabagang bakal na hawak nito para ilayo sa ngayo'y umuusok na dibdib ni Alvin. Lumungayngay na ng tuluyan ang ulo ng binata at pabagsak siyang napadapa sa lupa. Napalunok si Shin nang makita iyon pero nagpapasalamat pa rin siya dahil alam niyang buhay pa rin ito. Marahil ay nawalan ito ng malay dahil sa matinding sakit.

Nalingon siya ng matandang Jiro at unti-unting lumapit sa kanya. Matagal siyang napagmasdan bago ito nagsalita. "Ikaw na lang ang nag-iisang Takano sa mundo, Shin. Huwag mong hayaang burahin ko na ng tuluyan ang lahi niyo dahil sa pagmamalaki mo. Tandaan mong malapit ka nang maging isang Jiro, at dapat lang na tumapang yang sikmura mo sa mga ganito. Dahil hindi ito ang magiging huling panonood mo nang brutal na kamatayan ng mga taong traydor at walang pakinabang... Huwag mong itanggi sa sarili mo na isa kang yakuza, dahil alam kong sanay na sanay sa ganito ang pamilya mo." at binigyan pa siya nito nang nakakalokong ngiti.

"Oo. Yakuza nga ako, pero sa makataong paraan. At hinding-hindi ko papatunayan ang pagkatao sa pamamagitan nang mga kahayupang ginagawa niyo sa mga inosenteng tao." tiim-bagang niyang tugon at saka tuluyang tinalikuran ang matanda saka pumasok sa loob dahil hindi naman talaga niya kailangang panoorin kung paano ulit maging kriminal ang pamilya ng lalaking pakakasalan niya.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon