7.
Nahawakan ni Jordan ang likuran ng ulo ng dalaga para mas ilapit ito sa kanya at tanggalin na ang natitira pang distansya. Hindi naman tumutol si Giselle at sa halip ay kumawit pa ang dalawang kamay nito sa kanyang leeg habang tinutugon ang halik.
Kailangan niyang matanggal sa sistema niya ang lahat ng tungkol kay Shin dahil wala na sa bokabularyo niya ang alalahanin pa ito. Hindi na niya gusto ang ano mang bagay na makakapagpaalala sa kanya tungkol sa kanilang nakaraan at alam niya sa sariling, napagtagumpayan na niyang gawin ito sa nakalipas na 5 taon.
At ngayong bumabalik na naman ang lahat, handa niyang patunayan ulit na wala ng halaga sa kanya ang tungkol sa dating minamahal. Na matagal na niya itong inalis sa buhay niya simula nang iwanan siya nito, at matagal na rin itong patay para sa binata.
Hindi nagdalawang-isip si Giselle na pagbigyan siya nang tinangka niyang ipasok ang kanyang dila sa bibig nito. Agad na tumugon ang dalaga at mas lalo pa nitong pinalalim ang halik na tila ayaw na siyang pakawalan.
Kung ito lang ang tanging paraan para itaboy ang lahat, para kalimutan ulit ang lahat, kahit masaktan ko pa siya ay hindi ko tatanggihang gawin ito.
Wala sa sariling bumaba ang isang kamay ni Jordan, na ngayon ay marahang humahaplos sa balikat ng dalaga, hanggang sa makarating na ito sa bewang ni Giselle.
Hindi pa rin niya binibitawan ang mga labi nito, at ng maramdaman nito ang paraan ng paghaplos ng kanyang kamay ay mas lalo pa nitong idiniin ang sarili sa kanya.
At nang tangkain ni Giselle na itaas ang kanyang tshirt para hubarin ay doon siya parang binuhusan ng malamig na tubig. Mabilis niyang naidilat ang kanyang mga mata at nakita ang nagtataka ngunit nabiglang ekspresyon ng dalaga.
"J-Jordan..." mahina ang pagkakasabi nito ng kanyang pangalan at namumungay na ang mga mata, na para bang inaanyayahan na siyang matulog.
Malakas pa rin ang ulan at may panaka-nakang kulog at kidlat kasabay ang pagbuhos nito.
Laking pasalamat ni Jordan nang hindi na niya nakita pa ang imahe ni Shin kay Giselle. Napakagat labi pa ito habang mataman siyang tinitingnan, na wari'y naghihintay nang kung ano'ng sasabihin niya.
Gusto niyang tanungin ang sarili kung bakit ganon ang naging reaksyon niya nang maramdaman niyang huhubaran na siya ng dalaga. Lalaki rin naman siya at nakakaramdam ng init ng katawan pero, bakit kailangan niyang itigil ang ginagawa nila kanina? Bakit tila ayaw ng katawan niyang mahawakan ng babaeng ito?
Ito ang unang pagkakataon na tinugon niya ang halik ni Giselle. Maraming beses nang nagtangka ang dalaga na iseduce siya pero, ito ang beses na, hinalikan niya rin ito. Na tumugon siya sa panunukso nito.
Pero bakit hindi maganda sa pakiramdam? Bakit parang mali ang lahat?
Naguguluhan man sa sarili ay hindi na niya pinagtuunan ng pansin yon. Ayaw din naman niyang makadisgrasya at kahit papaano ay nagpasalamat siyang hindi natuloy ang dapat na matuloy.
BINABASA MO ANG
THE ONE That I Will Save (BOOK 2)
RomanceInisip ni Shin ang kapakanan ni Jordan. Pinili niyang iwan ito para sa kanyang kaligtasan. Pinilit na lumimot ni Jordan matapos siyang talikuran at iwan ng babaeng pinakamamahal. Ngunit nang matuklasan niya ang katotohanang pilit na itinago sa kan...