Chapter 33

3.9K 162 13
                                    

33.




Gustong mapangiti ni Shin nang makita ang todo pagsimangot ni Jordan nang agad ding dumating si Paul mula sa bayan dahil alam niyang hindi nangyari ang gusto nito. Ngunit nagpapasalamat na rin siya sa pinsan dahil ito ang naging dahilan  nang pagka-udlot ng 'dapat' na sana ay nangyari na sa loob ng kotse. Para sa dalaga ay hindi angkop ang kinaroroonan nila sa ngayon para dito ngunit lalo siyang nanghihina sa bawat haplos at halik ng minamahal kung kaya't hindi na niya binalak pang pigilan ito.


"Lumabas ka na muna, Jordan. Kailangan mo nang magbihis Shin, para makabyahe na tayo. Kailangan nating magmadali." sabi ni Paul at iniabot sa kanya ang isang puting plastic bag.


"Bakit kailangan ko pang lumabas?" labag sa loob na tanong ng binata habang kunot ang noong nalingon ang kaibigan.


Napataas ang kilay ni Paul at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Napalunok si Shin at alangang nag-iwas ng tingin.


"At bakit naman hindi? Papanoorin mo siyang magpalit ng damit?... Pwede ba, umayos ka nga!" sagot ni Paul.


Hindi agad tumugon si Jordan at maya-maya pa ay napabuntong-hininga. "Bakit kasi ang bilis bumalik, eh!" mahinang reklamo nito at binuksan ang pinto ng kotse saka pabagsak na isinara.


Gustong panlakihan ng mata ni Shin ang binata ngunit huli na para doon dahil nakalabas na ito lalo na't mataman na siyang tinitingnan ngayon  ni Paul.


Hindi niya lang sigurado kung narinig nito ang eksaktong sinabi ng kaibigan.


"Ano'ng nangyari dun? At ano'ng sinasabi niya?" maang na tanong ng pinsan.


Nagkibit balikat lang siya bilang sagot. Napailing si Paul at sumunod na rin sa paglabas.


Ramdam niya ang pananabik ni Jordan nang mga sandaling iyon. At kahit siya ay ganundin. Ngunit hindi ito ang tamang oras para sa kasiyahan ng mga sarili nila. Kailangan muna nilang makalayo ng tuluyan para sa kanilang kaligtasan bago sila tuluyang magsaya.


Hirap man dahil sa mga sugat na natamo at sobrang pananakit ng ulo ay pinilit na tanggalin ni Shin ang wedding gown na suot at pinalitan ng puting long sleeves at pantalon na laman ng puting bag na binigay ni Paul sa kanya.


Nalingon niya mula sa bintana ng kotse ang dalawang magkaibigan na nakatayo sa gilid at wala sa loob niya ang mapalunok ng ilang beses nang makita ang half naked na si Jordan kung saan patagilid na napasandal ang binata at kitang-kita niya kung paano'ng inukit ang perpekto nitong mga abs sa kanyang tyan.


Humugot siya ng malalim na hininga upang mahimasmasan sa nakita at para na rin lumanghap ng hangin dahil tila kinakapos siya matapos niya itong mapagmasdan nang hindi sinasadya.


Natigilan si Shin nang ilang sandali bago nagpasyang katukin ang bintana ng kotse upang agawin ang atensyon ng dalawa.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon