Chapter 23

5K 162 22
                                    

23.

Agad na nagbihis si Jordan at ipinasok ang iilang damit sa malaking travelling bag na meron siya matapos nilang mag-usap ni Paul. Wala siyang itinira sa apartment niya bukod sa mga appliances at gamit sa kusina. Sinigurado niyang wala siyang maiiwang bakas ng kanyang pagkatao dito sa apartment na ito.

Mabilis siyang sumakay ng taxi papunta sa bahay nila Paul. Tinawagan niya rin ang mga magulang  para sabihing pupuntahan niya ang mga ito kinabukasan.

Kunot ang noo ni Paul nang pagbuksan siya ng pinto nito. Madilim ang mukha at mahahalatang galit na galit ang binata sa paraan pa lamang ng pagkakatitig nito sa kanya.

Hindi na niya pinatulan ang pagsalubong ng kaibigan dahil aminado rin naman siyang, kasalanan niya kung bakit ito nagkakaganito.

Tinapik ni Lenny ang balikat ng anak nang sumulpot ito mula sa kanyang likuran.

"Good morning po, Tita." mahina ang pagkakabati niya dahil nahihiya siya sa ginang. Marahil ay alam na rin nito ang ginawa niya.

"Good morning din, Jordan. Halika na, pasok ka na dito nang makapagkape ka muna... Paul anak, tama na yan. Nangyari na, eh." saka siya nito nangitian.

Tinalikuran siya ni Paul at sumunod naman siyang pumasok sa bahay nila.

"Thankyou po, Tita." at inabot niya ang tasa ng kape na ibinigay ni Lenny saka ito naupo sa harapan nila Paul.

"Ano bang pumasok sa utak mo at parang hindi mo yata naintindihan ang sinabi ko?" tanong ni Paul saka siya nilingon.

"Nag-alala ako ng husto. Hindi ko kayang, uupo lang ako doon at maghihintay kung kelan tayo pwedeng umatake."

"Naiintindihan ko naman yun, eh! Nandun na tayo, Jordan! Mahal mo pa rin ang pinsan ko at gusto mo siyang iligtas! Pero ano 'tong ginawa mo?! Narealize mo ba na hindi lang ikaw ang madadamay dito? Narealize mo ba na pati ang pamilya mo ngayon, pwede na nilang ipahanap? Gagawin ng mga Jiro ang lahat para lang matunton ka! At hindi sila magdadalawang isip na pumatay ng kahit na sino'ng konektado sa 'yo para lang malaman kung nasaan ka! Hindi ka kasi nag-iisip eh! Simula pa lang naman nung una, puro emosyon lang ang pinapairal mo!" paninisi ni Paul.

Hindi niya magawang sumagot dahil may katotohanan ang lahat ng sinabi ng kaibigan niya. Wala sa loob niya ang natingnan ang kapeng nasa harapan niya at umuusok pa sa init.

"Paul... Tama na sabi, eh. Wala tayong mararating kung patuloy mong pagagalitan si Jordan..." saway ni Lenny.

"Pero Ma!..." at napakuyom ito ng kamao nang lingunin ang ina.

"... Naiintindihan niyo naman ako, hindi ba? Tama naman ang mga sinabi ko! Hindi lang ang sarili niya ang pinahamak niya, pati si Shin eh lalong manganganib ang buhay nang dahil sa katangahan niya."

"Hindi ko hahayaang mapahamak si Shin, Paul. Kaya ko nga ginagawa ang lahat ng 'to para mapadali ang la---"

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon