5.
Matagal siyang natitigan ni Kei bago ito nag-iwas ng tingin. "Bakit kailangan mong magtrabaho? Para ano? Hindi mo naman kailangang kumita ng sarili mong pera dahil may nagbibigay naman sa 'yo." tanong nito.
Muling napalunok si Shin. "Tinanong mo ako kung ano'ng gusto ko. Kung ano'ng gusto kong mangyari. Ito lang ang pwede kong hilingin sa 'yo dahil hindi na rin naman ako makakawala sa inyo ng Papa mo." sagot niya.
Muli siya nitong nalingon. "At pagkatapos, ano? Magtatangka ka na namang tumakas? Makakaisip ka na naman ng paraan para lumayo. Pag-isipan mong mabuti yang hinihingi mo, Shin. Dahil magiging kapalit ito ng buhay mo kung sakaling pumayag man ako."
"Gaano ba kahirap ibigay ang hinihingi ko? Sa dami ng bodyguards na nakapalibot sa akin sa araw-araw, sa tingin mo, makakatakas pa ako? Ni wala nga akong kalayaan para man lang magbukas ng computer o makipag-usap sa iba gamit ang cellphone. Tanging kayo lang ng Papa mo ang pwede kong kontakin. Kaya naririnig mo ba ang sarili mo, Kei? Alam mo ba kung ano'ng ginawa niyo sa akin? Hawak niyo na ang buhay ko, at wala na akong magagawa doon! Ngayon kung kikita man ako sa pagtatrabaho ko, ibibigay ko yun sa mga charity, sa mga street children, sa mga nangangailangan. Kaya please, pagbigyan mo na ako. 5 taon na akong nababaliw sa loob ng mansyon niyo, Kei! Bigyan mo naman ako ng pagkakataong makahinga!" at muling tumulo ang kanyang mga luha.
"At kapag binigay ko na ang gusto mo, magbabago ka na ba? Maiiba na ba ang pagtrato mo sa akin?"
Doon siya natigilan. Maiiba? Paano'ng maiiba? Magiging malambing na ba ang pakikitungo niya sa binata kagaya ng ginagawa nito ngayon?
Dahil hindi rin naman tinatago ni Kei ang nararamdaman nito para sa kanya. Simula pa lang nung una, ay nagustuhan na siya ng binata. Nakuha niya agad ang loob nito kahit pa na ubod siya ng tigas ng ulo noon. Kahit pa na palagi siyang nasasaktan nito, pero ito rin naman ang unang gumagamot sa mga sugat na natatamo niya.
Noon pa man ay gusto na siya ni Kei. Minahal na siya ng binata. At kahit papaano ay hinahangaan niya ito dahil hanggang ngayon ay ganito pa rin ang nararamdaman para sa kanya kahit na, matigas pa rin ang puso niya. Kahit na, hanggang ngayon ay isinusumpa niya ang mga Jiro sa nangyari sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ama at ina.
Mapait na napangiti si Kei nang wala itong makuhang sagot mula sa kanya. "Ni hindi mo masabi kung oo o hindi. Ni wala akong mapapala sa 'yo kapag pinagbigyan kita sa gusto mo. Alam mo naman siguro kung bakit ka namin iniipit dito sa loob, hindi ba? Matagal ka ring pinaghanap ni Papa para lag mabayaran ang utang ng pamilya mo sa pamilya ko. Pinahirapan mo siya kahit hindi naman dapat. Hindi naman talaga namin kasalanan kung bakit ka nandito. Gusto lang namang bawiin ni Papa kung ano ang nararapat para sa pamilya namin. At alam mong ikaw yun, Shin. Matagal nang pambayad utang ang mga Takano sa Jiro. Huwag mo sanang kalimutan yan."
At alam niya sa sarili niyang totoo ang sinasabi ng binata. Tandang-tanda niya pa ang pakiramdam na meron siya noong isiniwalat ng matandang Jiro ang katotohanan noong mga panahong tinatangka niya pa ring tumakas.
Mahapding mahapdi na ang balat niya sa pagpupumilit na makawala sa wire na itinali ng mga tauhan ni Jiro sa kanyang dalawang kamay habang nakaupo siya sa kahoy na silya at nakatali rin ang kanyang dalawang paa. May busal rin ang kanyang bibig para hindi siya makapag-ingay at tatlong araw na siyang ganito.Alam niyang sugatan na ang kanyang mga kamay pero ayaw niyang sumuko. Lalaban siya hanggang sa may lakas pa siya.
BINABASA MO ANG
THE ONE That I Will Save (BOOK 2)
RomanceInisip ni Shin ang kapakanan ni Jordan. Pinili niyang iwan ito para sa kanyang kaligtasan. Pinilit na lumimot ni Jordan matapos siyang talikuran at iwan ng babaeng pinakamamahal. Ngunit nang matuklasan niya ang katotohanang pilit na itinago sa kan...