Prologue

16.6K 273 21
                                    

Prologue

5 years ago...

Mataas na ang araw ng magising ako sa aking higaan. Hindi ko alam kung ano'ng oras na pero, kinusot ko ang aking mga mata at tumayo na mula sa kinahihigaan ko.

Sandali pa akong natigilan upang imulat ng husto ang aking sarili bago magpasyang lumabas ng aking kwarto.

Papasok na naman.

Kamusta na kaya si Shin? Maayos na kaya ang pinsan ko pagkatapos ng away nila ni Jordan? Ang gunggong na yun! Pinaiyak niya ang pinsan ko kahit pa sinabi ko sa kanyang huwag na huwag niya itong sasaktan! Mukhang nakakalimutan na yata niya ang pinag-usapan namin!

Napanguso ako. Hindi namin siya nakita kahapon at marahil ay lumiban iyon sa klase nila.

Gusto ko pa ring malaman kung ano'ng pinag-awayan nila, at kung bakit kailangan pang umiyak ni Shin. At sa tingin ko naman, mukhang hindi rin naging okay si Jordan dahil nagawa niyang hindi pumasok. At sigurado akong, ang pinsan ko ang dahilan.

Pero hindi man lang ba siya pupunta dito para magka-usap sila? Walang hiya talaga ang isang yun! Hindi na nagbago!

Palabas na ako ng kwarto ng may isang puting papel ang nakakuha ng atensyon ko.

Napakunot-noo ako ngunit nagdesisyon akong basahin iyon.

"Baka hindi na ako makabalik, Paul. Pakiusap, huwag niyo na akong hanapin."

Iyon ang nakasaad sa sulat at hindi  maiwasang manginig ng aking mga kamay habang hawak ko ang papel na yun.

Tang'Na!

Halos takbuhin ko ang kwarto ng aking pinsan dahil sa sobrang bilis ng lakad ko. Bubuksan ko na ang pintuan ng makasalubong ko si Mama.

"Ma! Nakita mo si Shin?" kabado kong tanong sa kanya.

Parang nagulat pa si Mama sa biglaan kong tanong. Ngunit napakunot din ito ng noo.

"Eh pupuntahan ko pa nga lang sa kanyang kwarto para gisingin. Hindi pa pala lumalabas?" sagot niya sa akin.

"Tang'Na! May problema tayo, Ma!" natataranta kong sabi at agad na pinihit ang doorknob sa pintuan ng kanyang kwarto. Swerte namang hindi niya ito nai-lock at agad kaming nakapasok.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Paul? Ano'ng problema?... At saka bakit wala ang pinsan mo dito?" tanong ni Mama ng makitang wala siyang makitang Shin sa loob ng kwarto.

Ano bang kabaliwan ang ginawa mo, Shin?!

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon