Chapter 4

4.8K 161 3
                                    

4.

Naalimpungatan si Jordan dahil sa maingay na pag-ring ng kanyang cellphone. Alas syete na rin pala ng umaga at kailangan na niyang bumangon para maghanda sa pagpasok. May isang oras na lang siya para maghanda at medyo masakit pa ang kanyang ulo dahil na rin siguro sa ilang lata ng beer na inubos niya kagabi.

Kunot-noo niyang natingnan ang Caller Id ng tumatawag at nakita niya ang pangalan ni Paul.

Ano bang kailangan nito at ang aga-aga eh, istorbo. 

"Hello."

"Kanina pa ako tumatawag, ngayon mo lang sinagot." tila inis pa ang boses ng kaibigan niya.

"Alam mo ba kung ano'ng oras pa lang? Nakakaistorbo ka, eh."

"Hindi ba dapat magpasalamat ka na lang sa akin dahil malamang, kung hindi kita tinawagan eh late ka na sa trabaho mo. Umayos ka nga!" alam kasi ni Paul na ayaw na ayaw niyang nalilate sa kanyang trabaho.

Napakamot siya sa kanyang ulo at saka tumayo mula sa kama. "Ang dami mong sinasabi. Hanggang ngayon ba naman, hindi ka pa rin nagbabago? Buti hindi ka pinagsasawaan ni Jenny?..." at napangisi sa kanyang pang-aasar.

"Ang gago mo."

"... Matagal na. Teka nga, bakit ba ang aga-aga mong tumawag, ha? Ano bang kailangan mo?"

"May oras ka ba mamaya? Magkita tayo pagkatapos mo sa trabaho."

Muling napakunot ng noo si Jordan. "Ano'ng meron? Alam mo namang ayaw na ayaw kong luma---"

"Alam ko. Pero gusto kitang makausap. At ayokong sa cellphone natin 'to pag-usapan. Kaya pumayag ka na. Pupuntahan kita sa apartment mo mamaya kung hindi ka papayag."

"Tang'Na Paul, tigilan  mo nga ako. Para kang nag-aastang girlfriend, eh. Ititext kita kapag maaga akong makakauwi."

"Ikaw lang naman ang ayaw umuwi ng maaga, eh."

"Shit. O sige na, tama na ang panenermon. Kailangan ko ng pumasok."

"Okay. Mainit na ulo mo, eh. Try mong iuntog, baka sakaling lumamig." at humalakhak bago nito pinutol ang pag-uusap nila.

Napailing na lamang siya at napamura ng wala sa oras.

Lalabas na sana siya ng kwarto ng muli na naman siyang nakatanggap ng incoming call. At galing na ito kay Giselle.

Hinayaan na lang niyang tumunog ang cellphone kahit pa naririndi na siya sa ingay nito. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kanyang kusina para magtimpla ng kape.

Inilapag niya ang kanyang cellphone sa lamesa at doon ito tumigil sa kakatunog. Pero nalingon niya rin ito nang message tone naman ang pumalit.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon