Ride
Hurricane Irenic Hellios Stavros'
"Let the kids enjoy their youth, Serene." natatawang saway ni Queen 'mmy kay mami ng hindi ito matigil sa mga pagbibilin sa amin. Sa lahat ng mga mommies sa generation nila si mami ang pinakamaraming bilin at maalalahanin maybe because she is a doctor.
Napasimangot si mami dahil sa pananaway ni Queen' mmy ngunit napalitan iyon agad ng yakapin siya ni papi. Malambing na ngumiti ang dalawa sa isa't isa. Papi even kisses mami's hair. "Let the kids experience how to enjoy, mahal ko. Mga binata at dalaga na sila." masuyong saad ni papi rito.
"Tama sila Ate Serene. I trust them not to do something stupid that might harm them." salansan ni tiya Rebel na inaalo si Ysidore at Yria na umuungot na sumama ngunit hindi sila pwede dahil masadyo pa silang bata.
Maiiwan din sina Mytheo, ang dalawa kong kapatid, si Cielo, Luna, ang mga anak nina tiya Chaos at ang kambal na bunsong anak nina Tiya Devone Angela.
"Roquil, Mythos drive safely okay? Always focus on the road. We trust the both of you." bilin ni Tiyo Carlos sa dalawa.
"Mythos, look after your twin okay?" bilin ni Tiyo Moris kay Mythos na tahimik lamang na nasa tabi ko. "Huri, lagi mong kakausapin ang kuya Mythos mo para hindi antukin sa pagmamaneho..." baling nito sa akin. Isang personalized van ang sasakyan namin. Magsasalitan sa pagmamaneho sina Kuya Roquil at Mythos. Ang plano ay mag-ride kami around here in Laguna and Tagaytay. We might visit Yvangelin Mansion to spend the night there, then we will go home the next day. Yung mga kids ang magsleep over sa bahay.
"Yes po Tiyo Moris. Maingay naman po nyan sa byahe." nakangiti kong saad na ikinangiti din ng tiyo.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na kami at sumakay na sa van na binili ni Queen 'mmy para sa aming joy rides. Inalalayan ako ni Mythos sa pagsakay. Ate Hydroiana took the front seat like she doesn' t want to be annoyed by anyone of us specially the boys. I am sitted with Mythos Sa other side naman ay sina ate Evaine at si Yrene na tila bored na bored. Sa likuran namin ay sina Sol, Eclipse, Catche, Celest and sa back seat ay sina kuya Fierre and kuya Judas.
"Roquil, when we reach half way I'll drive. Hyds will exchange seats with Irenic so someone will keep me awake."bilin ni Mythos na ikinairap naman ni ate Hyds at nagsuit ng earpods nya at travel pillow nito.
"Sure...all set?" tanong ni kuya Roquil at umayon naman ang lahat. Pumailanlang ang mga kanta ng FM Static na paborito halos lahat naming magpipinsan liban kay ate Hyds na pag classic ang tipo. Mozart and such.
Sa backseat ay may mini pantry. For sure maraming snacks and drinks doon. Well expect Queen 'mmy to do such.
Sumasabay sa kanta si Sol at kuya Fierre na tila nagdadrums at headbang pa sa ere. Mythos finger is tapping on the handrest. Tahimik lang itong nakatingin sa labas ng bintana.
"Fierre, shut your mouth! Your voice can break the windows!" angil ni ate Hyds sa kapatid na tila walang narinig at patuloy sa duet nila ni Sol. Maganda ang boses ni kuya Fierre at Sol kaya alam kong naiingayan lang so ate Hyds sa kapatid.
"Let them be, Hyds! Don't be a kill joy couz!" sabad ni Yrene na ikinairap naman ng pinsan namin.
Expect Yrene to annoy everyone.
"Yrene..." kalmadong saway ni ate Evaine bago nito nakangiting binalingan si ate Hyds. "Cool down, Hyds. We are all here to bond and enjoy not to start a fight." parehong umirap sa hangin ang dalawa sa sinaad ni ate Evaine. Nakakatuwang nakinig naman sila.
Ate Evaine is the second eldest among the girls in our generation. Kaya naman nakikinig ang lahat sa kanya bukod sa makokonsensya ka kung hindi mo sya susundin. She is too kind, calm and smart.
"Kuya Roquil! I saw you last time at a nearby coffee shop sa academy. You were with someone. Hindi ko nakita kung sino... You look like dating..." kuryosong tanong ni Celest.
Napatingin ako kay kuya Roquil na tila natigilan ng isang segundo pero nakabawi. "Which shop, Celest? I always spending my free time at different coffee shop near the academy with some friends and blockmates." kuya asked like it was nothing.
Napatingin ako kay Yrene ng bigla itong tumikhim na tila may bumarang kung ano sa lalamunan niya. A smirk formed on her face like she heard something interesting for her...
" Sa Beans and Tea. Napadaan kasi ako roon to buy milk tea dahil nastress ako sa exam. Lalapitan ko sana kayo to say hi but I had my next class na in few minutes." kwento ni Celest.
"Beans and Tea? Di ba malapit yun sa College of Liberal Arts Building? Bakit nandun ka, Celest? May mas malapit na Milk tea shop sa JHS building hindi ba, Huri?" tila nanghuhuling tanong ni Catche kaya napalingon ako sa kanila. Napansin ko ang pamumutla ni Celest.
"Cat, mas masarap po kasi ang milk tea sa Beans and Tea." sagot ko. Totoo naman iyon mas gusto ko milk tea nila doon. Napatango na lamang si Catche.
"Matcha Oreo Milk Tea with quarter sugar level." bulong ni Mythos na ikinangiti ko. It was my favorite Milk Tea blend.
"With a carrot cake." tuglong ko pa na ikinataas ng isang sulok ng mga labi nito.
"Right." bulong nito bago niya kinuha ang dala nyang traveler's quilt at ikinumot sa aming dalawa. Napangiti naman ako dahil alam na alam nito na ginawin ako.
Ang isa pang quilt na dala nito ay iniabot nya kay ate Evaine na ishinare naman kay Yrene. "Sana all!" sigaw ni Sol na ikinatawa naman namin.
Napangiti naman ako ng makitang may dala din sina Catche at Celest. Ang isa ay ibinato nila sa mga nasa likod. Natatawa na lang kami sa kakulitan ng mga ito. Ate Hyds always brings hers too.
"Di kasi kayo love ng nanay nyo! Kaya wala kayong kumot!" ani Yrene.
"Ay wow! Nahiya naman kami sa nakikishare sa katabi!" sagot ni kuya Fierre na ikinatalim ng tingin ni Yrene.
"I have this desire of killing your brother Hyds!" matalas na saad ni Yrene.
Baliwalang tumingin si ate Hyds dito. "I will even hold him for you."
"Ay! Grabe sya oh! Jude! Narinig mo ang kapatid natin?! Hindi nya na ako love! Sumbong natin sya kay mama!" tila exaggerated na saad ni Fierre na ikinatawa naman namin.
Napatingin ako kay Mythos ng maramdaman kong pinagsalikop nito ang mga palad namin sa ilalim ng quilt. Hindi ito nakatingin sa akin at nakatuon lamang ang pansin sa labas ng bintana. Hindi ko alam pero parang may init na humaplos sa puso ko sa ginawa nito. Pakiramdam ko ay nilikha ang kamay ko para sa kamay nito...
It doesn't make sense at all...
BINABASA MO ANG
Stavros Memoirs 1: Thick and Thin
ChickLitLate night Your eyes fell to the floor I'm trying to make sense But you're losing your patience Hands talk, won't stop We go to war In the heat of the moment You think that we're broken -LANY