Present
"M-Mythos..." napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at tila pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang lamig at salat sa anomang pagmamahal ng mga berdeng matang minsan sa buhay ko ay puno ng pag-mamahal at pag-aaruga para sa akin.
Na minsan ay sa akin umikot ang kanyang mundo at pinaglaban iyon sa lahat kahit na mismong sa pamilya nito...
Things changed as time passes by... Those changes broke some and complete others... As I chose to take this path, I know I broke the family who once sheltered and loved me as one of them, specially mami and papi...who was in the great pain when I told them what I wanted... But they choose to understand and let me go as I wanted to be whole and complete as the real me.
"Paul Ellena Williams . or should I address you, Mrs Paul Ellena dela Marced?" tila may kung anong sumaksak sa puso ko sa tinuran nito. His voice was too cold for me to stay at cool... He knew how to kill my lil fucked up heart. I took a deep sigh and smiled at him inwardly.
"Nice seeing you here, Myt-Mr. Stavros. You addressed me quite fine. I-I'm still a Williams. " I managed to say. Nakita ko ang pagdaan ng kakaibang kislap sa mga berdeng mata nito ngunit nawala iyon agad sa isang iglap na tila isang guni-guni lamang.
Imposibleng makita mo iyon Paul Ellena...
Tumango ito na tila wala ang interesante sa narinig na malayong-malayo sa dating Mythos na lahat ng sasabihin ko at tungkol sa akin ay tila kayamanan para rito. "K-kumu---"
Naputol ang sasabihin ko sana nang dumating ang isang napakaganda at sopistikadang babaeng kasama ng kakambal nitong si Mythe Evaine. Yumakap ang babae kay Mythos at nakita ko kung paanong lumambot ang expression nito ng titigan nya ang nakangiti at tila naglalambing ito. Ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng mala-asidong likido sa aking lalamunan hangang sa aking puso...
Kilala ko ito... Siya ang nanalong Ms. Universe noong dalawang taon na ang lumilipas. Totoo pala ang nasa balita na ito ang nobya niya.
Venn Louise Gray
"Eli.. Been looking for you... Bakit mo naman ako iniwan kina Queen. I was still nervous pag katabi ko siya..." tila batang naglalambing na saad nito na dati'y ako ang gumagawa...
Ngumiti si Mythos dito na tila ito lamang ang may kakayanan na pangitiin siya." Queen mama adores you, Venn. You should be used to her presence as you are my future sister-in-law! " masayang saad ni Evaine na tila punyal na sumaksak sa akin. Tila ba hindi nito napansin ang aking presensya... Ang aking itinuturing ate noon... Tumalikod na ako at nagsimulang lumakad palayo sa mga ito ng may umakbay sa akin at hinapit sa kanya. Napangiti ako ng malungkot ng makilala ko kung sino ito." Basty.."
"Smile, love. Show them that you're complete now." naisin ko man gawin ang sinaad nito ngunit ayaw makipagcooperate ng katawan ko.
Paano ko gagawin iyon, Basty? Kung nandoon pa rin ako kung saan ako ang nangiwan. Kung saan mas pinili ko ang makakabuti para sa lahat. At kung saan na sa pagbuo ko ng pagkatao ko ay winasak ko ang taong bumuo ng mundo ko...
Napasinghap ako ng hilahin ako ni Basty sa gitna ng bulwagan at magsayaw roon. Kaming dalawa lamang ang naroroon... At alam kong nakaagaw kami ng atensyon...
"Show them who's this party for...my love. This night is too wonderful for you to feel opposite...you are about to be introduced as Albert Williams' only heiress, don't let them see the love of my life breaking apart once again..."
"B-Basty..."
"I know... As I told you I will accept what only you can give me... Paul Ellena. Mahal kita at tama na iyon para manatili ako sa tabi mo."anito sa malungkot na boses.
BINABASA MO ANG
Stavros Memoirs 1: Thick and Thin
Chick-LitLate night Your eyes fell to the floor I'm trying to make sense But you're losing your patience Hands talk, won't stop We go to war In the heat of the moment You think that we're broken -LANY