Moon
Hurricane Irenic Hellios Stavros'
"Mythos... Sorry na...please...pansinin mo na ko..." pagpapaawang lambing ko rito dahil magbuhat ng pagtatalo namin tungkol sa boyfriend and girlfriend thing. Napasimangot ako ng hindi pa rin niya ako pinansin. I stopped walking after him at nakasimangot ko itong pinanood maglakad papasok sa floating cottage na nirent nito. Nasa isang floating restaurant kami sa Batangas ngayon. We are supposed to have a late celebration of my birthday pero heto siya... Nagpapabebe.
Napahinto siya at binalingan ako. Kunot ang noo nito na tila nagtataka kung bakit hindi ko siya sinundan. Duh?!
"What are you doing there, Irenic?" nakakunot parin ang noong tanong nito na nagpairap sa akin.
"YOU ARE NOT TALKING TO ME! IT IS MY DAY MYTHOS! NAKAKAINIS KA!" hindi ko mapigilang hindi mapaluhang tantrums dito. Wala akong pakialam kung may makakita sa akin ngayon... I am frustrated as hell because of his attitude!
Huminga ito ng malalim at lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukhang lumapit sa akin. Niyakap nya ako at inalo... "Hush... Baby... Sorry... I am just pissed at the idea of you having other men in your life. That's unacceptable for me. Tahan na... I promise you, we will enjoy this day... And the following days... Hm?" pigil ang iyak akong tumango habang nakasandig ako sa dibdib nito bahagyang kumalas ito sa yakap sa akin at sinalo ang aking mukha upang iharap sa kanya. He is so handsomely soft and his emerald orbs screams so much affection and adoration for me that made my heart flutter and damn crazy." Hush no, baby... Huh? Smile for me... Love... Hm? " mas lalong tila nababaliw ang puso ko sa pagtibok nito dahil sa genuine na ngiti nito para sa akin. He feel so warm and safe for me.
Damn Huri... Don't blend any meaning on your cousin's actions! Alam mong ganiyan talaga siya sa iyo mula noon pa man so fuck it up!
Naiilang na nag-iwas ako ng tingin dito tsaka pilit ang ngiting tumango. Kitang kita ko kung paano gumuhit ang pagkabahala at lito sa mga mata niya habang pinagmamasdan ako. "Irenic..." namamaos nitong tawag sa akin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang dating ordinaryong mga kilos at salita niya sa akin ay nabibigyan ko ng ibang kulay...na parang ang kakaibang kulay na iyon ay naiibigan ko kahit mali...
"N-nagugutom na ako M-Mythos..." nangangatal ang labing saad ko.
Nagtiim baag ito na tila ba may hindi nagugustuhan... Napakagat ako sa ilalim na labi sa kaba na mahalata niya ang pagkailang ko. This is insane!
Dali-dali akong kumapit sa braso niya at pilit na iwinawaglit ang kabaliwang ideyang namumuo sa aking isipan. Pinasaya ko ang aking boses na inaya na siya sa loob. I need to reverse the mood. Hindi maganda. Nakakahiya ka Huri to think crazy fucked up things with the affectionof your cousin for you... Your own blood. Damn it!
Inalalayan ako ni Mythos paupo the food are served on a banana leaf... Boodle fight style ang tawag dito according to Tiya Clara noong minsang nagorganized sila ni tiyo Alejandro ng Fiesta mi Familia sa kanila at ganitong ganito ang serving ng food. The whole family was game and enjoy the meal. Napangiti ako ng maalala ko ang senaryo na iyon. Ngayon ay sobrang busy na ng iba lalo na ang mga tiyo at tiya dahil sila na ang namamahala sa empire tho they see to it to have time with the whole clan even once a month.
Mythos took the water basin and hand soap then helped me wash my hands while I am stopping my crazy thoughts. Inabutan nya ako ng paper towel then a pair of plastic gloves... Upon doing that, my heart went crazy but I tried to ignore it. I must do something about this! Damn it!
"Dig in, baby" anito sa malalim na boses. Nginitian ko siya at sinikap kong ipakita na walang kakaibang nangyayari sa aking sistema. Hindi ko dapat ipahalata na may nagbabago sa akin para sa kanya. I don't want him look at me like I am insane... I don't want him to feel disgust to me.
"Kuya... Ang ganda talaga dito ano?" panimula ko sa usapan. Kitang kita ko kung paano naging madilim ang mukha nito dahil sa itinawag ko rito. Napaiwas ako ng tingin at nangiwi. Damn... It feels awkward. "M-Mythos pala. Peace!" trying to ease the ambiance.
Huminga ito ng malalim at tila kinakalma ang sarili. "I am not your kuya... Irenic. Don't call me that." sita nya sa akin at hindi pinalagpas ang kapangahasan kong suwayin ang bilin niya sa kung paano ko siya tatawagin.
"Sorry na Mythos..." nakangiwi kong saad. "Can we visit the Fantasy Land?" pagiiba ko ng usapan.
Huminga ito ng malalim tsaka tumango. "You're the boss...love" anya.
Hayan na naman ang kakaibang kabog ng dibdib ko na pilit kong binabaliwala.
We enjoyed the food despite of the disgusting and weird feeling I am having for him. Masyado ko lamang pinalalaki ang bagay na wala naman talaga. After that we stayed for half hour before we travel our way to Fantasy Land. Mythos paid for our entrance. Dapat ay group of ten for us to enjoy all their amenities and Mythos paid for that. Kami lamang ang tao roon. I asked Mythos to take my pictures... Nagalok ako na kuhanan siya but he refused kaya I sneakily took some of his candid photo. I make him take a selfie with me...and sent it to our group chat in Telegram... The cousins are so jealous and even rant on us not tagging along with us. Naiiling si Mythos habang nakikibasa sa phone ko. Ngumuso ako sa kanya at sumimangot. "Why are they have to rant about our date?! Sila rin naman may mga lakad na hindi tayo sinasama."
Kasalukuyan kaming nasa parking space ng Fantacy Land. Alas siete na ng gabi... And we are off to have our dinner then uuwi na kami...
Ngumisi lamang ito. "Don't mind them. They were just jealous" anya sa kalmadong tinig. "C'mon... Aren't you hungry? Saan mo pa gustong pumunta?" he asked sweetly and my heart fluttered crazily. Damn it!
Nagiwas ako ng tingin at nagkunwaring pinagmamasdan ang GC namin.
"Not h-hungry yet. We just had our snacks kaya!" sagot ko at napakunot ang noo ko ng biglang mabasa ang kakasend lamang na mensahe ni kuya Roquil.
Roquil Ytan: @Mythos Eli, you know the family rule. Brother. Don't ruin anything.
Napatingin ako kay Mythos at kitang kita ko kung paanong nagbago ang expression nito... Naging madilim, mapanganib at tila galit at frustrated sa kung ano...bigla akong naguluhan at nag-alala...
May nangyayari bang hindi ko alam?
"M-Mythos... May problema ba?" nag-aalala kong tanong na tila nagpagising dito. Ngumisi ito na pilit at umiling...ang mga mata nito ay may kalungkutan at tila kabiguan.
"None that may concern you, love. Don't mind Kuya Roquil... He was just messing around." malambing nitong saad pero taliwas sa emosyong nasasalamin sa mga berde nitong mga mata kaya naman nangangamba at nag-aalala ako para rito.
"Mythos... Alam mo naman na no matter what happen... I will always on your side... You are my favorite person next to my parents and siblings. Kaya, whatever it is that troubles you... I am always with you! I love you, Mythos... To bits... Cousin!" I said trying to make him feel that he is not alone whatever it will takes. Sa kabila ng naramdaman kong pait sa huling katagang binanggit ko.
Yes... Huri... He is your cousin. And don't fucking confuse yourself with the love and affection you are having for him.
Don't fucking taint your bond with your crazy thoughts girl!
Ngumiti ito ng nalungkot sa akin. "... I wish that you are not one of us..." mahina nitong saad na hindi ko maintindihan. Tila ba pinaglalaruan ako ng aking pandinig...
"Huh?"
Umiling ito at mapait na ngumisi. Kinabig nya ako at niyakap ng mahigpit... "Wala..." at tumingin ito sa kalangitan... "The moon is beautiful... Isn't it, Irenic?"
Napangiti ako at tumingala sa kalangitan mula sa pagkakahilig ko sa dibdib nito. Kitang kita ko kung paano siyang nakatitig na buo ng adorasyon sa akin... At may tipid na ngiti ng kalungkutan sa mga labi nito na nagpasikip ng aking dibdib...
Bakit, ganito ang nararamdaman ko?
Bakit parang pakiramdam ko ay may mali sa aming dalawa?
At nasasaktan na ako kahit hindi ko alam kung ano iyon...
That night... After he got a call from the elders... I feel like... I lost him for good...because he was sent away from us... For no reason.
I lost Mythos Eli...
And my family changes
BINABASA MO ANG
Stavros Memoirs 1: Thick and Thin
ChickLitLate night Your eyes fell to the floor I'm trying to make sense But you're losing your patience Hands talk, won't stop We go to war In the heat of the moment You think that we're broken -LANY