Out
Hurricane Irenic Hellios Stavros'
Pagdating namin sa isang maliit ngunit magandang resort sa La Union ay sinalubong kami ng isang may edad na babae na tinawag na Lola Sela ni ate Evaine na tila ba malapit ito sa kanya.
"Nandito na pala kayo hija... Ang kambal mo ay sumama sa ubasan kay Paeng... Pero baka pauwi na rin ang mga iyon. Hali na kayo sa loob at ng makapagpahinga kayo.
"Maraming salamat po lola... Tatawagan ko na lang din po si Paeng para malaman nilang narito na po kami." magalang na saad ni ate Evaine matapos nya kaming ipakilala sa matanda na lola ng kaibigan ni ate at kaklase daw nila.
Hinatid kami ni lola Sela sa tatlong magkakatabing kwarto na gawa sa bato... Dinaanan namin ang ilang nipa huts cottage. Ang ganda at payapa ng lugar na ito salungat sa nararamdaman ko ngayon. Napalingon ako kay ate Evaine na kasalukuyang palabas ng silid namin at may kausap sa phone. Walang paalam na umalis si Hydroiana at sa tingin ko ay sa dalampasigan ang tungi niyo dahil higit sa aming magpipinsan ay ito ang pinakamahilig sa beach.
"Can I say something?" mapaglarong tanong ni Yrene kaya napatingin ako sa kanya at hindi gaya ng inaasahan ko na mapaglarong ngisi nito ay isang seryosong mukha ang bumungad dito.
I know...things are not really in good shape..."Sure." kabado kong sagot.
"I want an honest answer from you, Huri... What is your stand in forbidden love? Like loving someone who you are not allowed to?" tanong nito sa seryosong tono.
Tila ba huminto ang mundo ko at dumoble ang kaba ko sa itinanong nito. Anong punto nya sa pagbubukas ng topic na ito? Para saan?
" You know how our family raised us, Yrene... In our family, we are not perfect but we don't tolerate wrong things. When we say, forbidden... We are forbid to do it... Then we won't dare to... My stand is same with our family's. So, it's a big no for me." seryoso kong sagot dahil iyon ang paniniwala ko. Iyon ang itinuro ng mga magulang ko.
" Even that will cause you someone you adore most? Let's say your favorite person? " she challenged me.
Tiningnan ko siya sa mata nya. Kitang kita ko ang pag-tatalo sa mga iyon na tila ba may kung anong gumugulo sa kanya...
"Yes. I will be firm with my stand... And what the heck are you pointing out here? My favorite person pa talaga ang inexample me? For Christ's sake Yrene... That's Mythos... And you are making some ridiculously insane and disgusting idea... That's freaking incest! " may bahid na inis at kaba kong saad sa kanya.
Ngumisi ito ngunit may lungkot sa mga mata niya " I hope whatever happenes... And no matter how painful the situation is... You will be brave enough to face and hold on to something you really want... Huri. Sana ay maging totoo ka sa sarili mo...and Huri... I want you to know... I will always be on your side. Hindi ko man madalas sabihin ito... Pero ikaw at si Mythos ang pinakapaborito kong tao sa mundo... Dahil kayo ang nakikita kong pinakatotoo... And I hope that won't change for what about to happen... "
Tila mas tumibay ang sapantahan ko sa mga nangyayari... At lalong pinupunit ang puso ko dahil dito.
" Ano ba talagang nangyayari, Yrene? Bakit kailangan nating magsinungaling sa mga magulang natin para sa pag-alis nating ito?! Bakit naririto si Mythos gayong dapat ay nasa abroad siya tulad ng sabi nina papi?! Bakit parang biglang inilalayo nila ako sa buong pamilya?! Bakit... Bakit parang malayo kami sa inyo ngayon?! Ano bang nangyayari?! "
Hindi ko mapigilang ibuhos ang frustration ko rito...puno ng luha ang king mga mata habang pinagmamasdan ang pagkalito, pangamba, pagtatalo sa mga mata ng aking pinsan... Tila ba bigong bigo ito sa kung ano... Ngayon ko lamang siya nakitang nagkaganito... Ano bang nangyayari?!
BINABASA MO ANG
Stavros Memoirs 1: Thick and Thin
ЧиклитLate night Your eyes fell to the floor I'm trying to make sense But you're losing your patience Hands talk, won't stop We go to war In the heat of the moment You think that we're broken -LANY