Baby
Hurricane Irenic Hellios Stavros'
"Happy Birthday, sweet pea!" napangiti ako ng marinig ang masayang bati nina mami at papi matapos kong i-blow ang kandila sa birthday cake na inihanda nila para sa akin. Hating gabi pa rin at nakakataba ng puso na hindi pa rin nila pinuputol kailanman ang naging tradisyon nila tuwing kaarawan ko.
Party poppers and a gold rose banner with Happy Birthday Hurricane, party hats plus the cake. Kasabay ng pagkanta nila kanina ay ang sunud-sunod na notification mula sa phone ko. Alam kong mga birthday greetings iyon ng mga kaanak at kaibigan ko.
"Thank you, mami, papi... And my lil munchies!" masaya kong saad at yumakap at humalik isa isa sa mga ito.
"Always for my unica hija..." malambing na saad ni papi na ikinataba ng puso ko. After our lil celebration at midnight they went back to their rooms even Freed is throwing a tantrums because he don't want to sleep yet and wanted to play more.
Napangiti ako tuwing naaalala ko ang cute na namumulang biloy ng bunso namin habang umiiyak kanina. He isn't cute?
Napapitlag ako ng magring ang phone ko...
Mythos Eli calling...
Napangiti naman ako dahil doon. He never fail to call me after our family tradition. Kahit na ramdam na ramdam ko ang pagbabago nito.
"Hello..." I answered even my system is trembling on excitement.
"Happy 15th birthday, Irenic." napangiti naman ako ng marinig ang boses nito. Akala ko ay hindi na sya tatawag sa akin dahil ramdam na ramdam ko ang pag-iwas at pag-layo nito matapos ang maiksing bakasyon namin na iyon sa isla kasama ang aming abuelo at abuela higit isang taon na ang nakakaraan.
" Thank you, Mythos! " pilit kong kinakalma ang boses kong saad dito. "I-I..." huminga ako ng malalim. "I miss you!" halos bulong ko na lamang na saad. I miss the old us. Lagi kaming nagkikita...yes. Sinusundo at hinahatid nya pa rin ako madalas... But he seldom talk or even ask things he used to do.
Hindi ko maunawaan kung bakit... The only consolation I had on this all new set up is I am free to hangout with Basty and his friends and cousins.
Narinig ko ang pagbigat ng hininga nito. Na tila nahihirapan sa kung ano. "Ire--... Sleep now, Irenic. You still have a class to attend this morning and a party to host. Good night..." anito sa malamig na tono tsaka tuluyang nawala na sa kabilang linya.
Hindi ko mapigilan ang malungkot dahil doon. It felt like I am slowly losing my best cousin that I adore the most.
Mabigat ang loob kong natulog ng gabing iyon. I even forced myself to get up for school. Binasa at nireplyan ko ang mga bumati sa akin. Empress la and lolo Tino called to greet me, nd my tiyos and tiyas too. Sa group chat namin ng mga pinsan ko ay binati ako ng mga ito...some even posted funny pictures of me on their IG stories na ikinailing ko na lang. I will let them have their own fun...
Bumaba na ako sa kumedor matapos kong mag-ayos at maghanda para sa klase ko. When I reached the dinning area everyone including our helpers and house staffs greeted me. They even sang a happy birthday song. This is one of the most favorite time of my birthday every year. Mami and papi told everyone to join us for my birthday almusal as usual. Every year ang birthday ko ang pinakamaraming ganap na tila ba sobrang thanksgiving naman iyon kumpara sa mga kapatid ko. Papi told me it's because I am their most precious stone. That, I saved mami from her darkest time... Na ako ang pinakaspecial dahil ako ang nag-iisang prinsesa niya which makes me happiest kahit hindi ko maunawaan.
Hopefully, my brothers won't take this against our parents when the day comes.
"Ihahatid ko kayo sa school ng mga kapatid mo ngayon, Huri." ani papi na ikinapagtaka ko. Ang alam ko ay laging kay Mythos ako sumasabay. "Your kuya Mythos will not attend his classes today since Aurora Marquez will be at the town for her short vacation. Mythos will pick her up from the airport and he volunteered to drive her home to Baguio." paliwanag ni papi na ikinalungkot ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Stavros Memoirs 1: Thick and Thin
Literatura KobiecaLate night Your eyes fell to the floor I'm trying to make sense But you're losing your patience Hands talk, won't stop We go to war In the heat of the moment You think that we're broken -LANY