Chapter 8 : Hello Ghost

13.8K 1.4K 1.6K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ayoko na! Uuwi na ako!" I screamed as I ran to the door, but Argentina was quick to grab me by the shoulder.

"Ha-ha! Dito ka lang! Gagawa tayo ng project!" she insisted, dragging me back to the couch.

"Ayoko!" I tried running to the door again, but again, Argentina kept holding me back.

Para akong sumabak sa gyera dahil sa hilahan at sigawan namin ni Argentina. Sa sobrang desperasyon ay winawasiwas ko na ang mga braso ko at ramdam kong nasasapak ko na si Argentina. Pinapaulanan niya naman ako ng mura na may kasamang sabunot. 

Namalayan ko na lamang na nasa sahig na kaming dalawa. Pilit akong gumagapang patungo sa pinto kahit mahigpit ang hawak niya sa mga paa ko.

"Dito ka lang!" Para nang demonyo ang boses niya sa pandinig ko.

"Hindi na kita crush! Ayoko na sa'yo!" I screamed at the top of my lungs, still trying to swim my way to door.

"Paki ko! Gagawa pa rin tayo ng project!" I think I could even hear her demonic laughter.

Mommy help!

Sa isang iglap, bigla na lamang bumukas ang pinto at sumambulat sa akin ang isang liwanag. Sandali akong napapikit.

"Mommy?" Huminto ako sa pagpupumiglas at dahan-dahang nag-angat ng tingin, bago tuluyang dumilat.

"Mukha ba akong nanay mo?" bulalas ni Chewy Crispy Coco habang nakangiwi. Nakataas pa ang hawak niyang cartolina na para bang gusto niya itong ihampas sa akin.

"Mommy ka raw!" Umalingawgaw ang malakas na tawa ni Goose na nasa likuran pala ni Chewy Crispy Coco. 

"Rinig namin boses n'yo mula sa labas kaya pumasok na kami." Chewy Crispy Coco sighed as he walked up to the shoe rack and took off his shoes, ganoon din si Goose.

Argentina stood up. I felt lazy from our struggle kaya naman itinaas ko ang kamay ko sa direksyon niya. 

She glared at me like she's asking me what the fuck.

I glared back at her and shoved my hand closer to her.

She rolled her eyes, grabbing my hand and pulling me up like a ragdoll.

"Ano? Aalis ka pa rin?" Pataray na tanong ni Argentina.

"Ba't ka aalis?" Ngumuso kaagad si Goose, sandaling huminto sa pagtatanggal ng sapatos.

"Magpapabuhat ka?" tanong naman ni Chewy Crispy Coco.

"Hindi ah!" Mabilis kong sagot. "Ayoko lang talaga rito kasi may multo!"

Both Chewy Crispy Coco and Goose gave me a puzzled look. 

"Ghosts aren't real," Chewy Crispy Coco said firmly.

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon