Chapter 32 : Sunflower

11.1K 1K 774
                                    


sampu silang umalis

sampu rin silang bumalik

ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan

sino ang nagbabalatkayo?

sino ang hunyango?


Hunyango is currently available on pre-order at Anvil Publishing's website for only 199 pesos ❤️

Hunyango is currently available on pre-order at Anvil Publishing's website for only 199 pesos ❤️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


1 month later


"Mang Egay! I miss you!" Mula sa backseat, mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit. Hindi na baleng kasama ko ring mayakap ang upuan.

I've been commuting for a month, scared to be in a car ride with Sawyer, kaya naman napakasaya ko ngayong may driver na talaga ulit ako. 

"Aray! Nasasakal ako! Aray!" sigaw niya at ali-dali ko naman siyang binitiwan nang mapansing nakapulupot na pala ang kamay ko sa leeg niya.

Naupo na lamang ako nang maayos, hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa mukha. "Miss mo po ako?"

I looked up at the rearview mirror while batting my eyelashes.

"Bata ka, lagi mo naman akong nakikita roon sa bahay n'yo," natatawa niyang tugon at saka pinaandar ang sasakyan paalis.

Pabiro akong bumusangot at sumandal na lamang sa kinauupuan. "Mang Egay naman, para ka namang multo kapag gano'n."

"Aba, alam mo na pala ang tungkol sa multo na nasa bahay n'yo?" sumeryoso bigla ang tono ng pananalita niya, bagay na ikinasigaw ko sa sobrang kilabot.

"Mang Egay! 'Wag kang manakot oh!"

Mangiyak-ngiyak na ako samantalang siya naman ay tawa lang ng tawa. Bumuntonghininga na lamang ako at lumubog sa kinauupuan. "Nga pala, Mang Egay. May tanong ako."

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon