Chapter 13 : The Other Side

13.1K 1.3K 1.5K
                                    

trigger warning for themes of anxiety and anger management issues

trigger warning for themes of anxiety and anger management issues

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Joana, ano ba talagang problema? Ilang araw ka nang nagmumukmok dito sa kwarto mo. Kung may problema ka, 'wag mo namang sarilihin," giit ni Yaya Shakira. 

"W-Wala naman po." Bahagya akong naupo at sumandal na lang sa headboard ng kama ko. "I'm just not feeling well."

"Kung gano'n, bakit ayaw mong magpa-check up?! Nahihirapan na kaming pagtakpan ka sa mga magulang mo. Mamaya, ipapatawag ko 'yong family doctor ninyo---"

"Yaya, please. I just want to be alone," I begged, trying to stall my tears from coming out. "Okay lang po talaga ako rito. Ipapahinga ko lang 'to."

"Joana, ilang araw ka nang hindi pumapasok. Linggo na ngayon, lumabas ka kaya kasama ang mga kaibigan mo? Tatawagan ko sila at papupuntahin rito--"

Mabilis akong umiling at pumikit. "P-Please don't..."

"Bakit naman hindi? Tatawagan ko si Remy tutal 'yon ang pinaka--"

"Yaya ano ba! I just want to be alone! Mahirap bang intindihin 'yon?!" Napasigaw ako nang malakas.

Pagdilat ko ay nakita ko ang gulat sa mukha ni Yaya. Kahit ako ay nagulat din sa mga lumabas mula sa bibig ko.

"S-Sige, magpahinga ka na lang muna." Mabilis na nagbaba si Yaya ng tingin sa sahig.

"Y-Yaya..." Bago pa man mabawi ang mga sinabi, mabilis siyang lumabas ng kwarto ko.

Tuluyang bumuhos ang mga luha ko nang maiwang mag-isa. Nasapo ko ang mukha gamit ang namamanhid at nanginginig na mga kamay. Sa sobrang inis, nagsisipa ako sa ilalim ng kumot.

Sa isang iglap, bigla na lamang bumukas ang pinto. Nagulat ako nang pumasok si Kuya, kunot-noo at parang galit. "Bakit mo sinigawan si Yaya?! Siya na nga lang ang nakakasikmura sa'yo, binabastos mo pa--"

"Labas!" I screamed at the top of my lungs, burning in fury. 

Pinanlisikan niya ako ng mga mata at dinuro. "Joana, 'wag mo akong sisigawan! Baka nakakalimutan mo sino ang mas--"

Napatili ako at sa sobrang galit ay pinulot ko ang study lamp at binato ito sa kanyang direksyon. Mabilis siyang umilag kaya naman tumama ito sa dingding imbes na sa mukha niya.

Napasinghap si Kuya, nanlalaki ang mga mata. 

Mabilis naman akong nagbaba ng tingin sa mga kamay kong nanginginig, hindi makapaniwala sa sarili kong ginawa.

"Psycho!" sigaw niya, nagngingitngit sa galit. Mabilis siyang lumabas at padabog na sinara ang pinto.

****

Hatinggabi na at hindi pa rin ako makatulog. Nitong mga nakaraang araw, wala akong ibang ginawa kundi matulog para lang matakasan ang matinding galit na nararamdaman. Pero ngayon hindi ko magawa dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang hitsura nina Yaya at Kuya.

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon