Chapter 18 : Dayglow (Part 1)

13.1K 1.4K 2.4K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Joe, 'wag kang iinom doon ha? Naku! Tayong lahat ang mapapagalitan. 'Wag ring mag-upload ng kung anong picture or video, alam mo naman ang mommy mo," Yaya reminded me for the nth time kahit pa abala siya sa pagluluto.

Natawa na lamang ako. Kagabi pa siya nagpapaulan ng mga paalala, daig pa ang sarili kong mga magulang. 

"Don't worry, Yaya. Behave naman po ako kahit noon pa," I assured her as I continued packing up disposable utensils into a basket.

"Behave daw," Argentina scoffed and let out a soft chuckle. Akala yata niya hindi rinig ang boses niya. That or nagpaparinig ang bastos na kornbip.

Kung kami ni yaya ay abala sa paghahanda ng mga baon, siya naman ay nakaupo lang sa mesa at panakaw-nakaw ng hotdog mula sa malaking tupperware. Inutusan ko siyang magtuhog ng hotdog at marshmallow, hindi ubusin ang pagkain huhu.

"Anong meron? Ba't ang daming pagkain?"

Napalingon ako at nakita si Kuya na nakasuot lang ng pajama. Halatang kakagising niya lang dahil ang gulo pa ng buhok niya at pahikab-hikab pa siya. I think he hasn't even washed his face!

"Can you like put something on? I have a visitor!" I yelled and threw him the towel by the fridge door. The audacity of this guy to walk around topless when I have a visitor! 

"I told you, I'm not interested if it's your friend--" Biglang natawa si Kuya nang mapatingin sa direksyon ni Argentina. "Uy! Kaibigan mo pala ang anak ni Silver at Reika?"

"Excuse me?" Argentina raised an eyebrow and leaned her back against the table, arms folded.

I sighed and stood beside my brother. "Kuya, this is Argentina. Argentina, this is my Kuya Lorenzo."

"Argentina?" Kuya threw his head back as he laughed. "Anong klaseng pangalan 'yan?"

Argentina gave my brother a menacing glare and grabbed a hotdog, ripping it in half. 

I heard my brother swallow hard. We both looked at each other. He didn't say anything, but the look in his eyes was enough for me to know what he felt at that very moment - fear.

Kuya turned around and walked away. Just like that. Without saying another word.

***

As soon as everything's ready, tumungo na kami nina Argentina sa garahe at nadatnan si Cyprus na gumagawa ng routine check sa sasakyan. Lumapit siya kaagad sa amin nang makita ang mga dala namin.

Just as I handed him the basket full of disposable utensils and food, I joked, "Pogi mo pala kapag hindi naka-uniform!"

Muntik mabitiwan ni Cyprus ang basket kaya napasigaw kami ni Argentina. Mabuti na lang talaga at nahawakan pa niya ang basket at hindi ito tuluyang bumagsak sa sahig.

The Fool's GoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon